^

PSN Opinyon

CIDG, tinatarget nagtitinda ng smuggled cigarettes!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

KUMILOS na rin ang Criminal Investigation and Detective Group (CIDG) laban sa cigarette smuggling sa southern Mindanao. Kung sabagay, dapat lahat ng operating units ng mga law-enforcement agencies ng gobyerno ay maghabol ng cigarette smuggling dahil maliwanag pa sa sikat ng araw na economic sabotage ito. Kapag natuldukan ang cigarette smuggling sa southern backdoor ng Pinas, abayyy mababawi ng gobyerno ang nawawalang P60 bilyon na buwis na sana ay pambayad ng utang ng Pinas, di ba mga kosa?

Sa report na tinanggap ni CIDG director Maj. Gen. Romeo “Bong” Caramat, dalawang kalalakihan na may alyas na Alih, 54, at Jay, 38, ang inaresto ng kanyang mga tauhan habang nagbebenta ng smuggled cigarettes sa Davao Oriental at Davao City. Eh di wow! Umaabot sa P998,700 na halaga ng smuggled cigarettes ang nakumpiska sa dalawang suspects, ani Caramat. “Ang ganitong ilegal na gawain ay hindi lamang banta sa ating ekonomiya bagkus ito ay maaring magdulot ng seryosong panganib sa kalusugan ng tatangkilik,” ayon pa kay Caramat.

Kung sabagay, hindi lang ngayon kumilos laban sa cigarette smuggling ang CIDG kundi noon pa. Marami na ring accomplishments laban sa illegal na sigarilyo ang CIDG, subalit ewan kung bakit hindi ito mahintu-hinto. Ano sa tingin mo Boss Sakur? Ayon kay Caramat ang kampanya laban sa cigarette smuggling ay alinsunod sa kautusan ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. “to keep our country safe and secure against this illicit trade.” Nangako si Caramat na hindi lulubayan ng CIDG ang kampanya laban sa ismagel na sigarilyo para protektahan ang interes ng Pinas at ang kalusugan ng mga Pinoy.

Nakumpiska sa pag-iingat ni Alih ang dalawang kahon ng Cannon menthol, at tig-isang kahon ng Champion menthol, D&J menthol, at Vess Red; limang reams ng Era Red; tatlong reams pa ng Champion menthol, isang ream ng Royal menthol, 508 reams pa ng Cannon menthol; 349 reams ng Gift red; 111 reams ng Champion lights; 104 reams ng Bosqu tens menthol, 55 reams ng Grow menthol at 116 piraso ng boodle money. Swak sa banga si Alih, ‘no mga kosa?

Nakuha naman sa posesyon ni Jay ang 96 reams ng YS menthol, 32 reams ng King sice San Diego; 98 reams ng Marbles premium, 50 reams ng Vess premium at P1,000 na na-incorporate sa boodle money. Hayan, kung naikalat sa kalye ang smuggled cigarettes, mara­ming Pinoy ang malalagay sa alanganin ang kalusugan.

Matapos ma-inventory ang mga nakumpiskang ebidensiya sa harap ng barangay officials, iniutos ni Caramat na sampahan ang mga suspects ng kasong violations of RA 10643 “The Graphic Health Warnings Law” and RA 10863 “Customs Modernization and Tariff Act.” Abangan!

vuukle comment

CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with