^

PSN Opinyon

Plano sa 3 schools sa EMBO barangays, sana matuloy na

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Noong nakaraang linggo ay naibahagi ko ang magandang performance ng Benigno Ninoy Aquino High School o BNAHS sa PISA 2022 report. Naikuwento ko rin na marami pa kaming plano para sa mga paaralan sa Makati. Kasama rito ang Makati Science High School na nasa Cembo, ang Fort Bonifacio Elementary School at High School na parehong nasa West Rembo.

Inilalapit ulit natin ang ating hiling kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte na resolbahin na ang usapin tungkol sa pangangasiwa at pamamahala ng tatlong public schools na ito. Dahil nga sa desisyon ng Korte Suprema ay napunta na sa Taguig ang pamamahala sa mga barangay kung saan located ang mga paaralang ito.

Last year pa nga naipalam ang sitwasyong ito sa kina­uukulan at ipinapakiusap natin na manatili sa Schools Division Office – Makati ang pangangasiwa at pamamahala ng Makati Science High School na nasa Cembo, pati na ang pagsanib ng Fort Bonifacio Elementary School at Fort Bonifacio High School sa University of Makati o UMak, na pare-parehong nasa West Rembo.

Ang gusto ko pa naman sana ay maitaas ang monthly stipend ng Makati Science High School scholars sa P3,000. Dati-rati ay P1,500 ang monthly stipend na natatanggap ng mga mag-aaral ng MakSci, bukod pa sa libreng school uniforms at supplies na ibinibigay ng lungsod taun-taon. Nariyan din ang programa para sa modernisasyon ng mga pasilidad sa paaralan, kabilang ang smart classrooms na kinakabitan ng interactive boards at unlimited internet connection.

Gusto kong ulit ulitin na hindi tayo nagkukulang sa poli­tical will at resources para patuloy na maibigay ang mga pa­ngunahing pangangailangan ng mga estudyante. Kasama na dito ang kumpletong kasuotan, school supplies, masustan­syang snacks, at modernong learning tools at pasilidad. Talagang pinupursigi natin ang apilang ito dahil mahalaga na may sariling science high school ang Makati. Isa ito sa mga pilot schools na pinagbubuhusan natin ng resources, talent, at oras. Para ito sa mas magandang kinabukasan ng ating mga kabataan.

Ang Taguig naman ay may sariling Science High School kaya naman nakikiusap kami na ipaubaya na sa amin ang Makati Science High. Bukod sa Makati Science ay may mga plano din tayo para ma-integrate o maisanib ang Fort Bonifacio Elementary School at Fort Bonifacio High School sa University of Makati (UMak).

Nakatitiyak ako sa kahandaan ng UMak na isagawa ang pagsanib ng dalawang paaralan bilang Teacher Education Laboratory School nito. Kapag mayroon nang integrated primary level to university education, mas lalo pang magiging abot-kamay sa lahat, lalo na sa mga mahihirap na mamamayan, ang pagkakataong magtagumpay at guminhawa ang buhay.

Ang tagumpay na pag-pilot ng UMak sa Senior High School noong 2011 sa pamamagitan ng pagtatag ng Higher School ng UMak (HSU) sa loob ng university campus ay patunay din na kayang-kaya nitong gawing magaling na Laboratory School ang naturang mga paaralan. Bukod sa magaling at trained na faculty na kwalipikadong magturo sa laboratory school, may nakahanda na ring teacher plantilla ang UMak para ma-absorb ang mga guro na gustong maging kawani ng pamahalaang lungsod ng Makati.

Buo ang aking tiwala at kumpyansa na kayang tuparin ng lungsod ang mga mithiin para sa tatlong paaralan. Sana po ay mapagbigyan ang mga kahilingan natin dahil malaki ang magiging impact nito sa public school system at kalidad ng edukasyon sa Makati. Marami nang masakit na nangyari at laging mamamayan ang naaapektuhan at nagdurusa. Dalangin po namin na maging maayos ang resolusyon sa mga isyung ito dahil wala po kaming ibang hangad kundi ang magandang kinabukasan ng mga batang #ProudMakatizen.

vuukle comment

BENIGNO NINOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with