^

PSN Opinyon

Hindi magandang serbisyo ng public hospital sa Capiz

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Patuloy na yumayabong ang ekonomiya ng Capiz dahil magaling si Gov. Frediniel Castro. Dumadagsa ang mga turista sa naturang lalawigan dahil mababa ang kriminalidad at mababait ang mga residente. Bukod pa riyan ang pamosong produkto ng mga Capizeño na seafoods na talaga namang kagigiliwan ninoman dahil napakasariwa. Kaya naman hindi kataka-taka na umaangat ang Capiz pagdating sa ekonomiya. Maraming negosyante ang dumarayo rito upang humango ng mga produktong seafoods, bigas, asukal at mais.

Noong nakaraang taon, bumagsak ang hanapbuhay ng Capizeños matapos dapuan ng African Swine Fever (ASF) ang mga alagang baboy sa buong lalawigan. Sinabayan pa ito ng red tide kaya apektado ang seashells na isa sa mga produkto ng Capiz.

Subalit sa mga pagsubok na ito nakita ang galing ni Governor Castro. Ipinag-utos niya sa lahat ng local government units (LGUs) ng Capiz na ipatupad ang checkpoint sa entry/exit ng lalawigan upang mapigilan ang pagkahawa ng mga baboy sa ASF.

Ipinagbawal din niya ang paghuli ng anumang uri ng seashells gaya ng tahong upang makaiwas ang mamamayan sa pagkalason. Pero ang masakit, kung kailan nakaahon ang Capiz sa delubyong dulot nang pagbaha noong 2022 at paglaganap ng ASF at red tide, nagkaroon naman ng blackout sa isla nang Panay at damay ang Capiz.

Hindi maipaliwanag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang dahilan. Naperwisyo ang buhay ng mga Capizenon. Nagkanda-lugi ang mga negosyo. Maraming nabulok na paninda at produkto. Sa ngayon, mukhang nababaon na naman sa limot ang nangyaring kapabayaan ng NGCP.

Hanggang ngayon, humihiyaw ang mga negosyante ng Capiz sa tanggapan ng NGCP. Hinihiling na panagutan ng NGCP ang kanilang kapabayaan sa pagkawala ng kuryente na tumagal ng tatlong araw. Napag-alaman ko, gumagawa na ng aksiyon si Governor Castro para ma­panagot ang mga responsible sa pagkawala ng kuryente.

Samantala, nagbiro si Castro na kailangang mag-aral ng  Good Manner and Right Conducts (GMCR) ang mga empleyado ng public hospital sa lalawigan dahil marami ang nagrereklamong mamamayan. Hindi maganda ang pamamalakad sa pampublikong ospital ng Capiz kaya tinataguriang ‘Ospital Kamatay’.

Sabi ni Castro kailangang pagsibihang mabuti ng mga tauhan ng ospital ang mga may kapansanan. Porsiyentuhan daw ang mga hospital officials kaya kadalasan, walang gamot na maibigay sa mga pasyente. Abangan!

CAPIZ

CAPIZEñOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with