^

PSN Opinyon

Smart classrooms sa Makati at iba pang digital initiatives para sa 2024

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Na-inspire ako at nagalak sa aking pagdalo sa Globe’s R.I.S.E. 3.0: Uplifting Lives through TechCo Innovations event nitong nakaraang linggo.

Naging malalim at mabunga ang aming balitaktakan tungkol sa tech projects ng Makati na naka-line up para nga­yong taon. Nagpapasalamat ako sa pagkakataong ma­iba­hagi ang aking vision para sa green technology na aking isi­nu­sulong kasabay ng paglago ng Makati.

Nai-share ko na sa inyo ang pagtransisyon natin sa eco-friendly transportation. Nauna nang dumating ang electric-powered vehicles na gagamitin ng Public Safety Department (PSD). Marami pa tayong ibang programa para sa paggamit ng clean energy ng mga sasakyan. Ito ay mahalaga para mapababa ang ating carbon emissions.

Ang Makati ay may target na reduction ng GHG emissions na more than 30% sa taong 2030. Isa sa epektibong paraan para ma-achieve ito ay mag transisyon sa sustainable transportation. Pangarap ko talagang magawa ito dahil isa ito sa mga isinusulong kong adbokasiya hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo.

Sa ngayon ay pinapalawig pa natin ang deployment ng solar panels sa public schools at government buildings­. Isipin nyo na lang na kung ang bawat eskwelahan o go­vernment building ay kaya nang mag-generate ng hanggang 88 percent ng electric consumption nito ay liliit nang husto ang babayaran nating bill sa kuryente sa bawat buwan.

Bukod pa rito, hindi na tayo mamumroblema pa sa posibilidad ng blackouts o rotational brownouts kapag kinakapos ng supply ng kuryente ang mga providers. Sa katunayan, eventually ay puwede pa tayong magbenta pabalik ng kuryente sa power grid kapag sobra na ang ating na generate na enerhiya. O di ba ang galing?

***

Alam po ninyong lahat na hindi ako papayag na mahuli tayo pagdating sa usapin ng pag-improve at pag-upgrade ng mga kagamitan natin sa school. Malapit nang makumpleto ang paunang target na 400 smart classrooms sa public schools ng Makati.

Bukod sa hybrid interactive whiteboard sa bawat classroom, may libreng notebook tablets at unlimited internet access pa ang mga estudyante.

Nauna nang naipamahagi ng pamahalaang lungsod ang 200 Hybrid Interactive Boards (HIB), o 50 percent ng target.

Ang bawat unit ng HIB ay may Android 11.0 intelligent operating system at may 5G wireless internet access na may WiFi hotspot, at isang three-way na USB interface support.

Inuna muna ng lungsod ang paglalagay ng IoT o Internet of Things devices sa 400 classrooms upang ganap silang maging “smart classrooms”, at layon nitong palawakin pa ang inisyatiba sa mga public school ng Makati.

At ito ang pinakamaganda sa lahat: ang bawat mag-aaral sa smart classrooms ay mabibigyan ng sariling notebook tablet sa kanilang desk upang direkta nilang maisusumite ang kanilang mga sagot sa mga pagsasanay, worksheet o pagsusulit!

Gusto kong maging maalam sa digital technology ang ating mga estudyante. Kahit bata pa lang ay kaya na nilang makipagsabayan sa mga kabataan sa mas mayamang lungsod.

Ang lahat ng mga prokeytong ito ay bahagi ng mas malaking plano para maging digital, smart, at tunay na resilient at sustainable ang Makati para sa ating mga anak.

vuukle comment

GLOBE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with