^

PSN Opinyon

Pirma na may lakip na ayuda

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Nalilito na ang madlang pipol sa balitaktakan hinggil sa pirmahan na may kalakip na pera para sa pag-amyenda ng 1987 constitution. Ipinahayag ni Albay Rep. Joey Salceda na matagumpay na ang pagsulong ng Cha-cha matapos na sang-ayunan ng 80 percent ng mamamayan. Mukhang hindi nagustuhan ang pahayag ni Salceda ng grupo ng mga senador kadahilanang ginamit ang ayuda ng ilang ahensya ng pamahalaan upang mahikayat na pumirma ang mga botante.

Ayon kay Senator Koko Pimentel, mukhang ang nagsusulong lang nito ay mga miyembro ng House of the Representatives. Hanggang ngayon wala pang nakaaalam kung sino ang utak nito. Ayon naman kay Senator Imee Marcos, malinaw na ang kanyang pinsan na si House Speaker Martin Romauldez ang nagsusulong ng “pirma” upang maam­yendahan ang 1987 Constitution. Itinanggi ni Romualdez na siya ang pasimuno ng pirmahan.

May mga tongressman este congressman, na nagsa­sabi­ na magtatagumpay ang pirma at ito ang kanilang regalo kay President Ferdinand Marcos Jr., sa SONA nito sa Hulyo­. Ayon sa mga “Marites” naglalangis lamang ang mga mam­babatas sa Presidente.

Sa dinami-dami ng mga batas na dapat na atupagin ng mga magagaling na mambabatas ay mas inuuna pa nila ang pagbabago ng 1987 Constitution upang maisulong ang kani­lang “pagkapit tuko” sa puwesto.

Samantala, ang danyos perwisyo sa nangyaring blackout sa Western Visayas noong January 2, 2024 ay hindi pa nakakamit ng mga Ilonggo. Nagkandabulok ang mga inaning isda, seafoods, paninda at marami pa. Hindi maganda ang serbisyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Siyanga pala, ang usapin sa West Philippine Sea ang isa sa dapat na pagkatutukan ng mga mambabatas. Patuloy ang pambu-bully ng China sa ating mga mangingisda.

Kaya ang mga senador ay nais na isulong na ang pagkastigo sa mga congressman sa pamamagitan ng paghain ng apela sa Korte Suprema.

1987

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with