^

PSN Opinyon

Ready na ang electric cars ng Makati!

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Laman na naman ng headlines ang pagdating ng unang limang electric cars sa ating lungsod na gagamitin ng Public Safety Department (PSD). Ang PSD ang pangunahing responsable sa pangangalaga ng  kaligtasan ng publiko at pagme-maintain ng peace and order sa Makati.

Ang ating bagong biling electric cars mula sa Hyundai ay bahagi ng mas malawak nating programang nagsusulong ng sustainable mobility at eco-friendly transportation. Simula pa lang ito dahil magdaragdag pa tayo ng mas maraming electric vehicles na magagamit ng pamahalaang lungsod sa paghahatid ng serbisyo sa mga Proud Makatizen.

Ang IONIQ 5 electric cars ay mayroong 58-kWh lithium-ion battery pack na maaaring mag-charge mula 10 hanggang 80 percent sa loob lamang ng 18 minuto.

Ang electric cars ay ide-deploy sa iba’t ibang pangunahing lugar ng lungsod upang matiyak ang mabilis na pagtugon sa mga emergency at iba pang mga public concern.

Isipin nyo na lang kung gaano ka-astig ang mga sasakyan na ‘yan kapag makita ninyo sa daan. Talagang nakaka-proud naman na pinagplanuhan at pinagbuhusan ng pondo ang mga ganitong proyekto.

At dahil nga electric cars sila, mayroon ding itinayong limang charging station para sa kanila. May tatlo sa Makati City Hall, isa sa Palanan Barangay Hall, at isa sa Guadalupe Viejo Barangay Hall. Investment ito para sa future ng lungsod, kaya asahan ninyo na daragdagan pa ang electric cars natin para magamit ng husto ang mga charging stations.

Noong turn over ng mga kotse nitong Huwebes, sinabi ni Dong Wook Lee, Presidente ng Hyundai Motor Philippines Inc. (HMPH), na kasama sa package ang limang taon na preventive maintenance service ng mga sasakyan, fire extinguisher, training at orientation ng mga driver at 24/7 roadside assistance sa loob ng isang taon.

Kasama namin sa turn over ceremony sina Vice Mayor Monique Lagdameo, Cong. Luis Campos, Cong. Kid Peña, City Administrator Atty. Claro Certeza, City Legal Officer at PSD Head Atty. Michael Camiña, Ambassador Lee Sang-Hwa ng Republic of Korea, Cecil Capacete, HMPH Managing Director, Jae Ha Ryu, HMPH Directing Coordinator for Sales and Dealer Development, Young Uk Ko, HMPH Directing Coordinator for Aftersales, at iba pang opisyal ng HMPH.

Matatandaan siguro ninyo na noong 2022 ay pumirma ng kasunduan ang Makati at Korea International Cooperation Agency (KOICA) para sa pagtatayo ng isang smart bus system na may kasamang fleet ng electric bus.

* * *

Nagkaroon kami ng oras na makilala at makipag kwentuhan sa mga asawa ng mga ambassadors. Ang aming Tea Party last Thursday ay maiksi ngunit makabuluhan.

Nakasama namin ang Spouses of Heads of Missions in Manila Association sa isang simpleng merienda sa Makati City Hall. Dito ay pinag-usapan ang mga posibleng proyekto para palakasin ang sining, kultura, edukasyon at iba pang aspeto ng buhay Makatizen.

* * *

Nagbalik na po ang pinaka-aabangang Lingkod Bayan Caravan nitong Sabado. First stop ang barangay Poblacion at talaga naman pong dumagsa ang mga Makatizen pati na rin mga residente mula sa EMBO barangays at kalapit-lungsod. Lahat sila ay naka-avail ng ating free services, free medicine, at kung ano ano pang serbisyo.

Ang caravan ay one-stop-shop at napaka-convenient po nito dahil bukod sa nasa iisang lugar na lang lahat ng kailangan mo, ay libreng libre pa ito.

Abangan nyo na lang po ang schedule ng mga susunod na caravan sa aming My Makati FB page.

vuukle comment

PSD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with