^

PSN Opinyon

Problema sa mata

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. Presbyopia—Pagsapit ng 40-anyos, lumalabo na ang mga mata. Ang tawag dito ay presbyopia. Humihina ang pag-focus ng ating mata sa malalapit na bagay. Normal lang ito. Kumunsulta sa optometrist para magpasukat ng salamin.

2. Eye bags—Para mabawasan ang eye bags, subukang maghilamos ng malamig na tubig sa umaga. Puwede rin gumamit ng basang cotton balls na nilubog sa yelo o pipinong pinalamig. Ipatong ito sa mata ng 15 minuto at mababawasan ang pamamaga ng mata. Ang isa pang home remedy ay ang paggamit ng teabag na ipinapatong sa mata. Ang teabag ay may tannin na lumilinis at nagpapa-firm ng balat.

3. Dry eyes—Pangkaraniwang sakit ito ng 60-anyos pataas dahil nababawasan ang paggawa ng luha. Ang solusyon dito ay ang madalas na pagpatak ng artificial tears na mabibili sa botika. Kung gustong makatipid, puwedeng magtimpla ng sariling “luha”. Maghalo ng katiting na asin at isang onsang distilled water. Ihalo maigi at gamitin itong pang­patak sa mata. Bumili na lang ng dropper.

4. Katarata—Kapag malabo ang salamin ng kotse ay mahihirapan kang magmaneho. Ganito rin ang nangyayari sa katarata kung saan lumalabo ang lente ng mata. Ang sanhi ng katarata ay ang matinding araw, pag-edad, diabetes­ at paninigarilyo. Hanggang ngayon, walang pangpatak para malunasan ang katarata. Ang solusyon sa katarata ay sim­pleng operasyon na ginagawa ng mga eye specialists. Mag­pa-check sa doktor sa mata.

5. Glaucoma—Sa glaucoma, nababarahan ang pagdaloy­ ng likido sa loob ng ating mata. Dahil dito, tumataas ang pres­yon sa loob ng mata. Puwede ito magdulot ng pana­nakit ng ulo at pagkabulag. Ginagamot ang glaucoma sa pama­ma­gitan ng eye drops o laser surgery. Seryosong sakit ang glaucoma at kailangang magpatingin agad sa eye specialist.

MATA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with