^

PSN Opinyon

Mga benepisyo sa katawan ng Apple cider vinegar

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Narito ang mga kapaki-pakinabang na nagagawa ng Apple cider vinegar sa katawan:

1. Para sa diabetes—Ang pag-inom ng sukang puti o Apple cider vinegar ay maaaring magpababa ng asukal sa dugo. Ayon sa pagsusuri ni Dr. Carol Johnston ng Department of Nutrition sa Arizona State University, ang pag-inom ng dalawang kutsaritang sukang puti na inihalo sa isang basong tubig bago kumain ay makapipigil sa biglang pagtaas ng blood sugar pagkatapos kumain. Nakatulong ito sa mga taong may diabetes o kahit sa normal na tao. Ayon kay Dr. Johnston, ang acetic acid ng suka ay posibleng pumi­pigil sa pagtunaw ng carbohydrate na ating kinain. Dahil dito, hindi na ito maa-absorb ng ating katawan at maidudumi na lang.

2. Para pumayat—Sa research pa ni Dr. Johnston, kung saan 30 katao ay uminom ng dalawang kutsarang sukang puti, kasama ang kanilang pagkain sa tanghalian at hapunan. Pagkatapos ng apat na linggo, nakita niyang pu­mayat ng two pounds ang lahat ng sumubok nito. May iilan pa nga ang pumayat ng four pounds. Babala: Ang purong suka ay matapang at acidic. Kapag hindi ito hina­luan ng tubig o pagkain, puwede itong makasira ng lalamunan, ipin at sikmura. Huwag din itong subukan kung ika’y may ulcer o hyperacidity.

3. Impeksiyon sa tainga o swimmer’s ear—Ang swimmer’s ear ay impeksiyon sa butas at labas ng tainga. Ito’y nakukuha sa pagligo sa maruming swimming pool o sa dagat. Para gamutin ito, maghalo ng kalahating kutsa­ritang sukang puti, kalahating kutsaritang alcohol at kala­hating kutsaritang tubig na malinis. Itagilid ang ulo at ipatak­ ito sa loob ng tainga. Hayaan itong manuot ng isa hanggang dalawang­ minuto bago ipatulo ang suka palabas. Gawin ito ng dalawang beses sa maghapon hanggang gumaling ang impeksyon. Tandaan: Huwag itong gagawin kung butas ang eardrum.

4. Alipunga—Ang alipunga ay impeksyon sa pagitan ng daliri ng paa. Nagbabalat ito at medyo makati din. Nakukuha natin ito kapag laging basa o pawis ang ating paa. Para magamot ito, maghalo ng isang basong sukang puti at isang basong tubig sa isang palanggana. Ibabad ang iyong paa ng 15 minuto, dalawang beses sa maghapon. Tuyuin ang paa maigi pagkatapos ibabad. Puwedeng pahiran ng alcohol ang paa para mapatay din ang mga bacteria. Gawin ito ng ilang araw hanggang sa mawala ang alipunga.

5. Vaginal yeast infection—Minsan, ang mga babae ay nagkakaroon ng makati at puting discharge sa kanilang puwerta. Puwedeng makuha ito sa paggamit ng nylon na panty at pantyliner. Kailangan ding laging maghugas pagkatapos umihi o dumumi. Para magamot ito, nagbibigay ang doktor ng anti-fungal suppository. Ngunit kung walang pera, puwedeng maghalo ng isang kutsarang sukang puti sa dalawang basong maligamgam na tubig. Gamitin ito para hugasan ang loob at labas ng puwerta. Gawin ito ng dalawang beses sa maghapon at sa loob ng 5-7 araw. Kapag gumaling na ang impeksiyon, tigilan na ang paghugas sa loob ng puwerta, dahil nakasasama rin ito sa katagalan. Kumain din ng isang tasang Yogurt sa loob ng limang araw para manumbalik ang lactobacillus, ang mga good bacteria ng ating katawan.

6. Kulugo o warts—Mahirap gamutin ang kulugo. Mahal ang gastos para magpa-cautery sa doktor. Ang isang home remedy ay ang paggamit ng cotton ball na sinawsaw sa purong sukang puti. Ipatong itong cotton ball sa kulugo at i-tape ng band-aid sa buong magdamag. Siguraduhing basang-basa ang cotton ball ng suka. Medyo mahapdi ito. Gawin ito araw-araw sa loob ng dalawang linggo o lampas pa. Pagkalipas ng ilang araw, mamamaga at mangingitim ang kulugo, bago ito tuluyang matatanggal. Ituloy pa rin ang paglagay ng suka ng ilang araw para hindi bumalik ang kulugo. Maghugas palagi ng kamay para hindi lumipat ang kulugo sa ibang parte ng katawan.

7. Balakubak—Maghalo ng isang tasang maligamgam na tubig at isang tasang sukang puti. Mag-shampoo at magbanlaw ng buhok. Pagkatapos ay saka ipahid ang sukang puti sa may puno ng iyong buhok kung nasaan ang balakubak. Hayaan ito ng 30 minutes bago banlawan. Gawin ito ng isa hanggang dalawang beses kada linggo para mabawasan ang balakubak. Kapag hindi pa rin gumagaling, damihan ang halo ng sukang puti at bawasan ang tubig.

APPLE

CIDER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with