^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Farm-to-market road madadaanan na?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Farm-to-market road madadaanan na?

IPINAGMALAKI ni President Ferdinand Marcos Jr. na 51 percent na ng farm-to-market road ang natapos. Sabi ng Presidente, ang dapat daw na maging target ay 131,410.66 kilometers sa anim na taon niyang termino pero sa kasalukuyan, 67,328.92 kilometers na ang naga­gawa. Kaya maaari na raw niyang maireport sa samba­yanan na 51 percent na ang natatapos sa farm-to-market road mula Aparri hanggang Jolo. Ipinangako ng Presidente na bago matapos ang kanyang termino ay tapos na ang 131,410.66 kilometrong target.

Magandang balita ang sinabi ng Presidente na halos kalahati ng farm-to-market road mula Aparri hanggang Jolo ay tapos na. Ito ang matagal nang hinahangad ng mga magsasaka—ang magkaroon ng kalsada sa mga kanayunan para madaling mailuwas sa kabayanan ang kanilang mga ani. Dahil sa kawalan ng kalsada, matagal bago mailuwas sa kabayanan ang mga aning palay, gulay, prutas at iba pang agri products. Kadalasang nabubulok at nahihinog ang kanilang mga ani at nata­talo sila sa ginastos sa mga ito. Ang pagkakaroon ng kalsada mula kanayunan patungong palengke sa bayan ay malaking tulong sa mga magsasaka.

Marami nang naging Presidente ng bansa ang na­ngako ng farm-to-market road pero hindi ito nagkaroon ng katuparan. May mga nagtangkang simulan ang farm-to-market road pero hanggang simula lang. Hindi tinapos at nagsilbing daan ng mga hayop at hindi tao. Dahil hindi sementado kaya lubak-lubak at maputik.  Halatang kinurakot ang pondo sa pagpapagawa ng mga kalsada. Ang naging kawawa ay mga magsasaka.

Ang ideya sa pagkakaroon ng farm-to-market­ road ay inilunsad ni Marcos Jr. isang buwan makaraang makapanumpa sa puwesto noong Hunyo 2022. Sinabi ng Pre­sidente noon na pinag-aaralan na ng kanyang admi­nistrasyon ang Farm-to-Market Road Network Program. Ilang araw ang nakalipas, ipinag-utos niya sa mga opisyal ng Department of Agriculture na maglatag ng plano para sa pagpapagawa ng farm-to-market road. Ito aniya ang makatutulong nang malaki sa pagpaparami ng pagkain at para mapalakas ang rural communities. Ito raw ang unang hakbang para malutas ang problema sa pagkain na sa kasalukuyan ay namamayani sa bansa. Kapag naisagawa ang mga kalsada sa kanayunan, magtutuluy-tuloy aniya ang daloy ng pagkain at hindi na kakapusin.

Isa naman sa dapat supilin ng pamahalaan ay ang walang tigil na smuggling ng agri products na lumulumpo sa mga lokal na magsasaka. Sa kasalukuyan, patuloy ang pagdagsa ng mga gulay na imported at ang apektado ay mga magsasaka. Marami sa mga aning gulay ng magsasaka ay hindi nabebenta sapagkat ang mga imported ang nasa mercado. Karamihan sa lokal na ani ay nabubulok lang. Mawawalan ng silbi ang farm-to-market road kung talamak ang agri smuggling.

vuukle comment

FARM

SMUGGLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with