^

PSN Opinyon

Kahalagahan ng pag-aalmusal

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang pag-aalmusal ay nakapagpapatalino lalo na sa mga bata na pumapasok sa school, nagbibigay ng enerhiya sa mga nagtatrabaho at nakatutulong sa pagdidiyeta dahil hindi gugutumin at hindi mapapakain nang marami sa tanghali.

Narito ang mga masustansiyang almusal:

1. Pritong bangus at gulay na monggo, pechay o kangkong ay masustansya at masarap pa. Ang sardinas at dilis ay napakasustansya rin. Mataas ito sa protina at calcium.

2. Ang gatas o yogurt ay kumpleto sa protina, carbohydrates at fats. Ang yogurt ay bagay sa may katabaan, may diabetes at may mataas na kolesterol.

3. Kung wala ka namang sakit sa puso o problema sa kolesterol, puwedeng kumain ng isang itlog bawat araw. Ang nilagang itlog ay masustansya at nagpapalakas.

4. Ang mga prutas na tulad ng saging, mansanas, papaya at mangga ay sagana sa bitamina at minerals. Limitahan lang sa 1-2 piraso ito o 1-2 hiwa ng mangga lang para hindi  tumaba.

5. Ang pagkain ng 1 tasang oatmeal bawat araw ay nagpapababa ng kolesterol sa dugo ng 10 percent

6. May kamahalan ang cereals pero sagana ito sa bitamina at minerals. Kapag inihalo ito sa gatas ay napa­kamasustansiya.

ALMUSAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with