^

PSN Opinyon

Tungkulin ng bawat QCitizen ang pangangalaga sa kalikasan

QC ASENSO - Joy Belmonte - Pilipino Star Ngayon

ANG krisis sa pabagu-bagong klima ay ramdam ng buong daigdig, mula sa pinakamalalaki hanggang sa pinakamaliliit na bansa. Kaya naman batid natin na kahit tayo rito sa QC ay may magagawa para mapigilan ito.

Sa aking pagdalo sa United Nations Climate Ambition Summit (UNCAS) noong nakaraang linggo sa New York, ibinahagi ko kung gaano kahalaga ang papel ng mga lungsod para malabanan ang climate change.

Sa Quezon City, isinasaalang-alang natin ang kapa­kanan ng pinakamahihirap at pinaka-nangangailangang sektor para makabuo ng mga programa para protektahan ang kalikasan. Naniniwala ako na makakamit lang natin ang sustainability at pagiging environment-friendly kapag inklusibo ang mga programa.

Noong 2021, binuo natin ang QC Enhanced Local Climate Change Action Plan (ELCCAP). Ito ang nagsisilbing manwal ng lungsod para matiyak na bawat programa ay dapat at nararapat sa bawat QCitizen, anuman ang katayuan sa buhay.

Isa sa mga hakbang natin sa ELCCAP para mabawasan ang carbon emission sa lungsod ay ang pamamahagi ng e-trike sa mga barangay. Pero bago natin ito ipinamigay, nagsagawa muna tayo ng pag-aaral upang tiyakin na hindi ito magiging suliranin sa mga nakatanggap nito. May plano naman tayong magkaroon ng electric buses para sa ating libreng sakay.

Sinimulan na rin natin ang paglalagay ng solar ­panels sa city-owned facilities, mga ospital at paaralan. Sa pamamagitan nito, eco-friendly na at mas maliit na ang monthly dues na dapat nating bayaran.

Nakatakda na rin nating ipasa ang Enhanced Green Building Ordinance na nagtatakda ng requirements at incentives para sa mga pribadong sektor na magsisimula na ring mag-shift sa paggamit ng renewable energy. Sinisiguro natin sa lokal na pamahalaan na hindi aaray at hindi lubos na maaapektuhan ang kita ng mga negosyo.

Naniniwala ako na mahalaga ang sama-samang pagkilos sa pagtamo ng climate justice. Bawat QCitizen ay may magagawa para makamit ang isang ligtas, at luntiang hinaharap sa QC.

CITIZEN

CLIMATE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with