^

PSN Opinyon

Lagi ka bang pagod?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Pakiramdam mo ba ay lagi kang pagod? Subukan ang mga sumusunod na payo. Makatutulong ang mga ito para maibsan ang nadaramang pagod.

1. Magkaroon ng sapat na tulog sa gabi kung maaari ay pito hanggang walong oras na tulog na hindi naiistorbo.

2. Sundin ang schedule ng pagtulog. Regular na matu­log­ at gumising sa parehong oras araw-araw

3. Bigyan ang sarili ng oras para mag-relax. Humingi ng tulong sa iba kung masyado ng marami ang trabaho o pagod na.

4. I-organize ang pang-araw-araw na schedule. Unahin ang mas importante gawin. Okay lang na hindi tapusin lahat.

5. Alamin ang mga bagay na nagdudulot sa iyo ng stress. Bawasan o iwasan ito.

6. Subukang mag-ehersisyo sa umaga. Ang ehersisyo ay nagbibigay ng lakas.

7. Paramihin ang sariwang hangin sa iyong bahay at trabaho. Ang sariwang hangin ay nagbibigay ng lakas.

8. Balansehin ang iyong kakainin. Isama rito ang pag­kain nang maraming prutas, gulay, at whole grain. Kumain ng masustansiyang almusal at huwag magpalipas ng gutom.

9. Kung sobra sa timbang, magdiyeta ng dahan-dahan. Ngunit iwasan ang sobrang pagbawas sa pagkain dahil baka lalo ka manghina.

10. Uminom ng walo hanggang 10 basong tubig. Kung ang iyong ihi ay malinaw ang kulay, ibig sabihin ay sapat ang iniinom na tubig, ngunit kung sobrang dilaw kina­ka­ilangan mong uminom nang maraming tubig.

11. Tingnan ang mga gamot na iniinom. May mga gamot ang may side effect na nagdudulot ng fatigue.

12. Itigil ang paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay nakapagpapataas ng lebel ng pagod.

13. Bawasan o itigil ang pag-inom ng alak at kape. Ang mga ito ay nakaaapekto sa maayos na pagtulog.

14. Kung ang pagod ay patuloy pa rin kahit may sapat na pahinga at ito ay nagtagal ng dalawang linggo o higit pa, maaaring may ibang sakit na kailangang gamutin. Kumunsulta sa doktor.

PAGOD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with