^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Plastic pollution hamon sa DENR

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Plastic pollution hamon sa DENR

Sampung taon pa mula ngayon, magkakaroon nang mabigat na problema ang bansa dahil sa mga plastic na basura. Mapupuno ang waterways ng iba’t ibang basurang plastic at lalong magkakaroon ng pagbaha. Kung ngayon, pawang sa kalsada lamang nagkakaroon ng mga pagbaha, sa darating na panahon, papasok na sa bahay ang baha at magtatagal ito bago humupa. Nakaharang ang mga plastic sachet ng shampoo, 3-in-1 coffee, catsup, toothpaste at iba pang plastic wrappers sa mga drainages at iba pang daanan ng tubig. Hindi nabubulok ang mga ito kaya forever na maghahatid ng problema sa tao.

Ang mga nangyayaring pagbaha sa maraming lugar sa bansa partikular na sa Metro Manila ay iniuugnay sa mga basurang plastic. Nakaharang sa drainage ang mga single-use plastics. Kahit magsagawa pa ng paglilinis ang Metro Manila Development Authority at Department of Public Works and Highways sa mga imburnal, balewala rin sapagkat hindi naman lahat ng basurang plastic ay nakukuha ng DPWH at MMDA. Nananatili pa ring nakabara sa daluyan.

Sa sobrang dami ng mga single-use plastic na itinatapon araw-araw, hindi kataka-taka na magkaroon ng problema ang bansa sa mga darating na panahon. Hindi lamang sa kapatagan nakakalat ang mga plastic na basura kundi pati sa karagatan man. Ang mga plastic sachet na itinapon sa kanal at estero ay iluluwa sa Pasig River at saka iluluwa naman sa Manila Bay. Nang humagupit ang Bagyong Egay noong nakaraang linggo, sandamukal na basura ang sinuka ng Manila Bay at tinambak sa Dolomite Beach. Karamihan sa basura ay plastic.

Ang problema sa plastic pollution ay malaking hamon kay Environment Secretary Maria­ Antonia Yulo-Loyzaga. Inamin ni Loyzaga na 61,000 metrikong tonelada ng basura ang itinatapon sa Pilipinas kada araw at 24 percent sa mga basurang ito ay plastic. Ayon kay Loyzaga, 160 milyong plastic packets ang nagagamit araw-araw samantalang 40 milyong shopping bags at thin film bags naman ang nagagamit.

Sinisikap umano ng DENR na ang mga plastic na basura ay hindi makarating sa karagatan at sa coastal areas. Gumagawa na raw sila ng paraan para mapigilan ang paggamit ng plastic. Ayon pa kay Loyzaga, hindi na recycle kundi upcycle na ang sistemang ginagamit ng DENR ngayon. Makabago raw itong proseso sa plastic waste. Ayon daw sa World Bank, 70 percent na material value ang nalilikha mula sa plastic waste at kumikita ng $790 hanggang $890 milyon bawat taon mula rito.

Gawin ng DENR ang lahat ng paraan upang makontrol ang plastic pollution. Kahit pa may naiisip na bagong paraan ukol sa plastic, pinakamabisa pa rin ay ang pagdisiplina sa mamamayan sa tamang pagtatapon ng basura. Puwedeng simulan ng local government units (LGUs) sa paglalatag ng mga ordinansa na maghihigpit sa pagtatapon ng basura sa mga daluyan ng tubig.

vuukle comment

BASURA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with