^

PSN Opinyon

Mga dahilan ng pagsakit ng ulo

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang mga sumusunod ang mga dahilan ng pagsakit ng ulo:

1. Stress, depresyon, kaba, tension, lungkot, pag-aalala at galit.

2. Sumasakit din ang ulo kung nakakuba o poor posture­, hindi aligned ang gulugod o spine, matigas ang mga masel sa balikat at arthritis. Kung may rayuma sa buto ng leeg at pagtigas ng panga ay sasakit din ang ulo.

3. Sa migraine headache, ang mga pagkain na may tyra­mine ay maaaring magdulot ng sakit ng ulo tulad ng cocoa, tsokolate, keso, soy products, toyo, alak, msg o vetsin, caffeine, preserved na karne na may nitrites gaya ng hotdogs, bacon, pepperoni.

4. Ang iba pang dahilan ng sakit ng ulo ay low blood sugar, pagdidiyeta, pagpupuyat o kulang sa tulog, sobrang pagtatrabaho o sobrang ehersisyo.

5. Nakakasakit ng ulo ang pag-iiba ng klima o weather­ na kung minsan ay sobrang init o sobra naman lamig.

6. May mga gamot na kadalasan mayroong side effect kasama ang pagsakit ng ulo.

7. Kung bago o habang may regla at menopause.

8. Ang high blood pressure ay nakakasakit din ng ulo.

9. Lagnat o kaya naman ay nauntog.

10. May mga taong may irritants sa ilong tulad ng pa­bango, thinner, pintura, at rugby.

ULO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with