^

PSN Opinyon

Million trees foundation, nangunguna sa laban vs baha!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Malakas ang ulan nitong nagdaang mga araw kaya’t lubog na naman sa baha ang ilang bahagi ng Metro Manila. Sa sitwasyon na ito, tumatak na naman sa isipan ni kosang Melandrew Velasco, President at Executive Director ng Million Trees Foundation Inc., ang importansiya ng mga kahoy, na ang pangunahing tungkulin ay ang protektahan ang kritikal na watersheds ng Pinas. Mismooooo!

Itong MTFI at mga partners n’ya ay komited na magtanim ng milyones na kahoy sa taon na ito, para makamtan nila ang pangunahing hangarin na makapagtanim ng 10 milyon na kahoy sa taong 2030. Bongga, di ba mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

“Let us do our share of environmental responsibility and work together to build a greener country, a greener world,” ang panawagan ni Velasco. Tandang-tanda pa kasi ni Velasco ang mga katagang binitiwan ni dating Pres. Fidel Ramos patungkol sa klima ng Pinas. “Too much water during the rainy season and too little water during summer has become our sad fate of yearly cycles of inundation and drought,” ani Ramos.

Hinikayat ni Velasco ang mga Pinoy na magkapitkamay para magkaroon ng sapat na water supply sa bansa dahil kahit tag-ulan na nitong nagdaang mga araw, ay inanunsiyo pa ng PAGASA na dadanasin ng Pinas ang El Niño. Dipugaaaaa!

Kinikilala ng MTFI na ang pagtanim ng kahoy ay isang mabisang pamamaraan para sustenahan ang water supply ng bansa. Kaya’t hangarin ng grupo na itulak ang nakamtang tagumpay sa kanilang Annual Million Trees Challenge (AMTC) program, na sinimulan ng MWSS, na green revolution project. Suportado din ito ng proyekto ng gobyerno na Enhanced National Greening Program na planong taniman ng kahoy ang mga kalbong lugar ng Pinas. Eh di wow!

Umaabot sa 1,829,867,211 seedlings ang itinanim sa dalawang milyon na bakanteng lupa mula 2011 sa ilalim ng National Greening Program at Enhanced National Greening Program. Target pa ng DENR na magtanim pa sa dalawang milyon na ektaryang lupa sa susunod na mga taon. Ang mga masigasig na partners ng MTFIs ay ang San Miguel Corporation, Manila Water, Maynila at Sta. Clara International. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?  Ano pa nga ba?

Itong SMC ang masasabi kong institutional partner at major donor ng MTFI kung saan naglagak ito ng P5 milyon tulong kada taon.

Sa nakalipas na apat na taon, nagtanim at inalalayan ng SMC ng 5,000,116 na mangrove trees sa 1,500 ektaryang lupain sa pitong probinsiya ng Pinas. Naglaan din ng pondo si SMC president at CEO Mr. Ramon Ang sa pagpatayo ng Million Trees Nursery and Eco Learning Center. Wowwwww! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ang Eco Learning Center ay matatagpuan sa La Mesa Watershed, at ito ang kauna-unahang proyekto ng MTFI sa limang ektaryang lupa na pinaupahan ng gobyerno sa Foundation. Hindi lang naman sa pagtanim ng kahoy aktibo i Mr. Ang kundi maging sa pagclean-up at pag-ayos ng Tullahan-Tinajeros river system at Pasig River.

“This opportunity is an avenue for us to further show our value of “malasakit” – Malasakit Para sa Kalikasan,” ayon kay RSA. Abangan!

ULAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with