^

PSN Opinyon

Dorobong consultancy agency, nakipagsubukan, tiklop sa BITAG!”    

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MARAMI pa rin sa mga kababayan natin ang mga naloloko ng mga recruitment agency at mga consultancy agency.

Hindi naman natin masisisi ang mga kababayan nating gustong mangibang-bansa sa kagustuhan nilang maiahon ang kalidad ng kanilang pamumuhay.

Ang problema, hirap na nga sila sa buhay dito sa Pinas, sila pa ang madalas na naloloko at napagsasamantalahan ng mga manggagantso, manloloko at dorobo rin nating mga kababayan.

Tulad nang walong pobreng titser na lumapit sa BITAG Action Center. Nilinlang at niloko ng kanilang inireklamong Pinoy World Assist Consultancy na isang consultancy services sa Cabanatuan City.

Ito ‘yung nakipagsubukan at nakipagbalitaktakan sa BITAG at sa mga awtoridad. Akala siguro ng putris na may-ari ng kompanya at operations manager makakalusot sila. Ayun, wanted na ngayon ang dalawa at walang piyansa sa kasong estafa at economic sabotage.

Ang siste, ang mga guro, pinangakuan nila ng trabaho sa New Zealand. Pero ang gagamitin daw nilang visa pag­punta roon, pangturista o tourist visa na tatlong buwan lang ang validity. Pagdating sa New Zealand saka pa lang daw maghahanap ng trabaho ang mga aplikanteng guro.

Talagang mahuhulog ka sa upuan kapag nalaman mo na ang sinisingil na processing fee ng Pinoy World Assist Consultancy ay tumataginting na P150,000 –hanggang P200,000, kada aplikante o kada ulo!

Entonses, ang mga papeles at dokumento ng mga guro na ang gusto lang naman ay makapagtrabaho sa ibang bansa, peke! Pati resibong inisyu ng Pinoy World Assist Con­sultancy, peke rin!

Patuloy na babala ng BITAG sa publiko at sa mga kababayan nating nag-aasam-asam na magtrabaho abroad, kuwidaw! Tiyakin ninyo na ang inaaplayan ninyo ay lehitimo at hindi bogus.

Tandaan, hindi puwedeng mag-alok ng anumang trabaho sa ibang bansa ang mga consultancy services. Pagpoproseso lamang ng visa ang ginagawa nila.

Magkaiba ang employment agency sa consultancy agency. Ang bawat job opening o job offer sa ibang bansa ay manggagaling sa ahensiya ng gobyerno o sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW). May mga prosesong sinusunod.

Hindi ‘yung kung sinu-sinong talpulano’t talpulana lang ang magbibigay at magsasabi ng job offer tulad ng Pinoy World Assist Consultancy.  Ayun, sarado na!

Paglilinaw, hindi anti-business ang BITAG! Inilalantad lang namin ang katarantaduhan ng mga dorobo at manggagantso na nambibiktima ng mga pobre nating kababayan. 

RECRUITMENT AGENCY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with