^

PSN Opinyon

Pasma

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ayon sa mga paniniwala, ang pasma ay nagdudulot ng panginginig at pagpapawis ng kamay. Sumasakit at nama­manhid din ang kalamnan. Ngunit sa aking pag-aaral, maraming sakit ang puwedeng magdulot ng sinasabing sintomas ng pasma. Dapat iwasan natin ang mis-diagnosis o maling gamutan.

Kadalasan ito pala ang mga tunay na sakit ng pasyente. Halimbawa:

1. Arthritis – sumasakit, sumisikip at namamanhid ang kamay sa arthritis. Dahil ito sa pag-edad at sobrang gamit ng kamay at katawan.

2. Carpal tunnel syndrome – pamamanhid ng kamay ang sintomas dulot ng sobrang paglaba, at paggamit ng kamay sa trabaho. May naiipit na median nerve dito.

3. Hyperhidrosis – nagdudulot ng sobrang pagpapawis sa kamay at paa. Puwede sa nerbiyos o namamana ito.

4. Lumbar and sacral disease – manhid at masakit ang paa at binti, posible dahil may naiipit na ugat sa likod.

5. Diabetes – nakasisira ng nerves at nagdudulot ng pamamanhid sa paa at kamay.

6. Parkinson’s Disease – nanginginig ang kamay (tremors) at hirap maglakad na parang matutumba palagi.

7. Edema from heart and kidney disease – ang manas ay puwede magmula sa sakit sa puso at kidneys.

8. Varicose veins – nagkakaroon nito kung laging naka­tayo at nakaupo at namamana rin. Gumalaw-galaw at magsuot ng compression stockings.

Huwag balewalain ang mga naturang sakit at sabihin na pasma lang. Dapat matukoy kung anong sakit ito para magamot. Kumunsulta sa inyong doktor.

PASMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with