^

PSN Opinyon

Nasa sahod ang solusyon

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAY iminungkahi si DOH Sec. Dr. Teodoro Herbosa na payagang pansamantalang magtrabaho sa mga ospital ng gobyerno ang mga nurse na hindi nakapasa sa kani­lang board. Mga hindi pa lisensiyadong nurse, ika nga. Para matugunan ang matinding kakulangan ng mga nurse dahil sa kanilang pag-alis ng bansa. Ang mga papayagang magtrabaho ay ang mga hindi nakapasa pero nasa 70-74 ang naging grado sa board exam.

 Isang mambabatas ang sumang-ayon kay Herbosa at may idinagdag pa. Marami umano ang hindi pumapasa sa board exams kaya nananawagan siya sa Professional Regulation Commission (PRC) na “babaan ang mga pamantayan upang punan ang kakulangan ng mga nurse at iba pang manggagawa.” Nais niyang “i-relax ng PRC ang mga patakaran at suriin kung ang mga pagsusulit ay isang hadlang sa pagkuha ng trabaho”.

Pero ilang senador ang hindi sumang-ayon sa mungkahi ni Herbosa. Hindi rin sumang-ayon ang PRC. Mga dayuhang nurse na nakapasa sa kani-kanilang board exam lang ang puwedeng bigyan ng pansamantalang permit para magtrabaho sa bansa.  

Ang dapat tugunan ay ang sahod at benepisyo ng mga health professionals. Sa ngayon, tumatanggap ng higit P36,000 kada buwan ang mga nurse sa gobyernong ospital. Mas mababa ang natatanggap ng mga nurse sa pri­badong ospital. Nasa P8,000 hanggang P20,000 lang. Paano hindi aalis ang mga nurse kung ganyan lang ang mga sahod? Paano mahihikayat sila na dito na lang mag­trabaho kung makakatanggap sila ng P50,000 o higit pa sa ibang bansa?

 Ang mga ospital, maging publiko o pribado ay nakakaranas nang matinding kakulangan ng mga nars. Pero sa aking palagay, hindi solusyon ang mungkahi ni Herbosa. Palaging ipinagmamalaki ng bansa ang mga nurse na masisipag, bihasang manggagawa, at ngayon gusto nating “ibaba ang mga pamantayan”? Hindi ko akalaing ang pagbaba ng passing grade sa kanilang board exam ang sagot.

 Baka dumating ang panahon, ganundin ang gagawin sa medical board exam, Bar exams at iba pang exams? Bukas ang pagkakataong kunin muli ng mga hindi nakapasa ang exam. Kung ang nais ay mag-training habang naghihintay ng pagkakataong kunin muli ang exam, sang-ayon naman ako doon. Pero kailangan may gumagabay sa kanila at hindi sila puwedeng kumilos ng basta-basta. Nasa ospital na iyan kung papayag sa ganung sistema.

 Habang sinusulat ito, mukhang hindi na itutuloy ang plano ni Herbosa dahil din sa mga ligal na isyu. Ang tunay na solusyon ay nasa kanilang sahod. Hindi maikukumpara ang sahod dito sa ibang bansa.

Kung makakahanap ang gobyerno ng paraan para i-standardize ang sahod ng mga nurse sa antas kung saan isasaalang-alang nilang manatili sa halip na magtrabaho sa ibang bansa, mas mabuti. Ang mga pangangailangan ng ating mga nurse ay matagal nang hindi pinansin. Ang kanilang trabaho ay dapat pahalagahan sa mga paraan na katanggap-tanggap sa lahat.

vuukle comment

TEODORO HERBOSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with