^

PSN Opinyon

Afghan refugees lingapin natin

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Kung ako ang tatanungin mabuti para sa Pilipinas na magbigay ng pansamantalang kanlungan sa mga refugees mula sa Afghanistan na naiipit sa umiinit na kaguluhan sa nasabing bansa. Ito ay bilang tugon sa hiling ng United States na lingapin ang mga naturang refugees na nakapaloob sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na naglalayong tumulong sa ibang nasyonalidad na tuma­takas sa mga nagaganap na kaguluhan sa kanilang bansa “for humanitarian reason.”

Ginawa na natin iyan sa mga refugees mula sa Vietnam­ na tinakasan ang kanilang bansang nasawsaw sa isang digmaan. Pansamantala lamang ito at kalaunan ay binigyan na rin ng U.S. ang maraming Vietnamese refugees ng permanent residency sa U.S. May ilan ding nanatili sa Pilipinas dahil nakapangasawa ng Pilipino. Ganyan din ang ginawa ni dating Presidente Manuel Luis Quezon sa mga refugees na Hudyo sa kapanahunang hinahagupit ng malupit na dikta­durya ni Adolf Hitler ang Germany at pinapatay nang ma­ramihan ang mga Hudyo.

Kaya ang lahat ng Pinoy na nais magpunta sa Israel na bansa ng mga Hudyo ay binibigyan ng visa free priviledge. Ito’y bilang pagtanaw ng utang na loob ng nasabing bansa sa ginawa ni Manuel Quezon. Pero bukod sa pagtanaw ng utang na loob, isang maka-Diyos at mabuting gawa ang lumingap sa mga nangangailangan. Hindi natin tiyak na pala­ging tahimik at mapayapa ang kalagayan natin sa Pinas.

Paano kung dumating ang araw (huwag nawang mang­yari) na magkaroon ng gusot sa ating bansa at tayong mga inosenteng mamamayan ay mangailangan ng ibang bansang masisilungan? Sabi nga ng matandang kasabihan, magtanim nang mabuti at mabuti rin ang aanihin mo. Para kay Senadora Imee Marcos, dapat munang unahin ang kaligtasan ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa Taiwan na maaring mapahamak kung lulusubin ng China.

Puwedeng pagsabayin ang pagtanggap ng refugees at paglatag ng plano sa paglilikas ng mga Pilipinong nasa Taiwan kung kakailanganin na. Tutal, natitiyak ko na hindi sosolohin ng Pilipinas ang gawain kundi ang malaking bahagi, gaya ng pagpuproseso sa mga dokumento nila. Kailangang gawin ito ng U.S. na malalim ang kaalaman sa intelligence and security upang siguruhin na walang makalulusot na teroristang nagpapanggap na refugees.

Ang kailangan lang ay maglaan tayo ng lugar, kagaya nang ginawa natin para sa mga Vietnamese, na mapagtatayuan ng kanilang temporary houses.  Kaya lang, dahil tayo man ay kapos sa pananalapi, U.S. din ang dapat magbigay ng pondo na gagastusin sa proyekto. Isa pa, tiniyak na ng Department of Foreign Affairs na may nailatag na’ng evacution plan para mailikas ang mga tinatayang150,000 Pilipino mula sa Taiwan sakaling magkagulo roon.

vuukle comment

EDCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with