^

PSN Opinyon

Online banking fraud

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

HUMAHABA ang listahan ng mga nabibiktima ng online banking fraud.

Online banking fraud ibig sabihin na-access o nabuksan ng kawatan o sindikato ang bank account ng isang depositor at kumuha o nag-transfer ng pera ng walang pahintulot ng may-ari.

Hindi lang isa kundi mahigit 30-katao na ang lumapit sa BITAG na biktima ng online banking fraud. Iisa ang kanilang sinasabi. Natulog lang sila, pagkagising nila, limas na ang kanilang ipong pera sa banko.

Sa madaling araw o sa gabi kung saan tulog na at hindi agad malalaman ng mga depositor na tumitira ang mga sindikato. Magugulat nalang sila kapag nakatanggap na sila ng text message mula sa bangko tungkol sa naganap na multiple transactions.

Hindi ako naniniwala na walang kasabwat ang mga sindikato na mismong taga-banko. Posible rin na tagaloob ang mga sindikato o di naman kaya ‘yung mga outsourced nilang customer service.

Para makaiwas at hindi mapabilang sa mga biktima ng online banking fraud, narito ang mga keyword na dapat ninyong tandaan.

Ito ang mga salitang update, upgrade, to better our service.

We are upgrading our system, we are updating your account we need your information and to better our service.

Kapag narinig n’yo ang mga kataga o word na ito ng tumawag sa inyo na nagpakilalang taga-bangko, kuwidaw na kayo. Huwag na huwag ninyong ibibigay ang inyong mga mahahalagang impormasyon.

Ang iba namang estilo ng mga bank fraudster sini-send ang link sa pamamagitan ng text message, ang tawag dito ay smishing. Kung sa email naman sila nag-send ng link ang tawag dito ay phishing. At kung QR code naman ang binigay nila, ang tawag dito ay quishing.

Kaya kapag nakatanggap kayo nito, huwag na ninyong buksan at burahin ninyo na agad para hindi na kayo mabitag ng mga sindikato.

Kasalukuyan, nakikipagtulungan na ang BITAG sa Committee on Banks and Financial Intermediaries ng Kongreso upang maipatawag, pagpaliwanagin at imbestigahan ang mga banko kung saan nadadalas ang online banking fraud.

Sa datos ng BITAG, Security Bank at Union Bank ang inirereklamo ng mga depositor na nawalan ng mga milyon at daan-daang libo ng pera.

Ngayon alam n’yo na! Nasa amin ang babala, nasa inyo ang pag-iingat.

Mag-ingat, mag-ingat!

vuukle comment

FRAUD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with