^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Totoo ang El Niño

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Totoo ang El Niño

Hindi haka-haka lamang ang El Niño na kahaha­rapin ng bansa sa huling bahagi ng 2023. Totoo ito kaya ngayon pa lamang ay nagbabala na ang pamahalaan sa pagtitipid at tamang paggamit ng tubig.

Muling nagbabala si National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Sevillo David sa mamamayan na huwag mag-aksaya at i-recyle ang tubig. Ayon kay David, base sa pagtataya ng PAG-ASA, 80 percent na mararanasan ng bansa ang El Niño bago matapos ang 2023 at magpapatuloy sa unang bahagi ng 2024. Una nang nagbabala si David noong Marso ka­ilangang magtipid sa tubig ang mamamayan dahil sa kahaharaping El Niño. Huwag mag-aksaya at i-recyle ang tubig. Dapat tumulong ang publiko o con­su­mers sa water management.

Maski si President Ferdinand Marcos Jr. nang magsalita sa isang pagtitipon noong nakaraang Marso ay nagbabala sa kahaharaping krisis sa tubig. Sinabi niyang seryoso ang problema sa tubig sa bansa. Hindi raw siya nananakot pero mahalaga raw ang pagtutulungan ng bawat isa sa problema sa tubig.

Noong nakaraang linggo, hinikayat ng MWSS ang Metro Manila Mayors na magpasa ng ordinance na naghihigpit sa paggamit ng tubig sa golf courses, car wash at swimming pools dahil sa unti-unting pagbaba ng tubig sa Angat Dam. Ang Angat ang nagsu­suplay ng tubig sa Metro Manila. Ayon sa MWSS, ka­ilangang limitahan ang mga negosyong gumagamit nang maraming tubig.

Totoo ang El Niño at hindi ito dapat ipagwalambahala. Naranasan ang bangis ng El Niño noong 1992 at 1998 kung saan grabeng naapektuhan ang agrikultura. Tinatayang P4 bilyon ang halaga ng napinsala sa agrikultura noong 1992 at P9 bilyon noong 1998. Grabeng tinamaan ng El Niño ang Mindanao.

Tama ang babala ng NWRB na magtipid sa tubig ang mamamayan. Pero mas magiging epektibo ang panawagan kung mauuna ang pamahalaan sa pagpapakita ng halimbawa sa pagtitipid ng tubig. Simulan ito sa pamamagitan ng direktiba sa mga tanggapan ng gobyerno na huwag mag-aksaya ng tubig. Maraming government offices ang nag-aaksaya sa tubig. Maraming gripo ang may leak at hindi inaayos kaya tapon nang tapon ang tubig.

Maganda rin naman ang hakbang na higpitan ang mga negosyong gumagamit ng tubig gaya ng car wash. Malakas kumunsumo ng tubig ang mga ito kaya dapat bawalan. Ipagpatuloy naman ng Maynilad at Manila Water ang pagsasaayos ng mga sirang tubo ng tubig upang walang maaksaya.

NWRB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with