Isa lang muna
KAPAG nagpakasal ang isang foreigner sa isang Pilipina, ang divorce na kinuha sa ibang bansa ay ituturing na legal kaya makakapagpakasal na muli ang banyaga, gayundin ang asawa niyang Pilipina ay may karapatan na muling magpakasal alinsunod sa batas (Art. 26 Family Code). Pero ang asawang Pilipina ay kailangan din na magsampa ng petisyon sa korte para kilalanin dito sa Pilipinas at mapatunayan na totoo ang divorce decree.
Ito mismo ang ginawa ng misis na Pilipina, pero bakit kaya binasura pa rin ang kanyang kaso? Alamin sa kuwento ni Juana.
Mahigit anim na taon ang nakalipas, nagpakasal si Juana kay Raffy, isang Norwegian national, sa Norway. Tumira sa Norway ang mag-asawa sa loob ng dalawang taon at pagkatapos ay naghiwalay dahil sa mga problemang mag-asawa. Nakakuha ng divorce decree si Raffy alinsunod sa batas ng Norway at nagkaroon ng tinatawag na Final Decree of Divorce na inilabas pagkaraan ng isang taon ng mismong Country Governor ng Oslo at pinatunayan (authenticated) sa Vice Consul ng Philippine Embassy roon.
Makalipas ang anim na buwan ay umuwi sa Pilipinas si Juana at nagsama ng petisyon sa kanyang probinsiya para kilalanin sa Pilipinas ang hatol ng diborsyo (foreign judgment of divorce) at upang ipag-utos din nito sa Office of the Civil Registrar General at Department of Foreign Affairs (DFA) na itala ang divorce decree sa ulat ng kasal (Report of Marriage).
Sa kanyang petisyon, isinama ni Juana ang 1) kopya ng PSA copy ng Report of Marriage, 2) orihinal na kopya ng Decree of Divorce na may kasamang translation at authenticated ng Vice-Consul ng Philippine Embassy, pati 3) authenticated copy Norwegian Marriage No. 47.
Matapos ideklara na walang problema sa porma at nilalaman ng petisyon ay inutos ng korte na padalhan ni Juana ng kopya ng petisyon ang Office of Civil Registrar General (OCRG), Provincial Prosecutor at PSA. Pagkaraang ilathala sa diyaryo ang petisyon at ipaskil sa bulletin board ng Provincial Capitol at RTC ay nagsumite ng ebidensiya si Juana na inihain sa RTC. Agad naman itong tinanggap ng korte. Samantala, hindi nagsumite ng ebidensiya ang gobyerno, PSA at OCRG pero hindi rin naman tumutol sa petisyon. Kaya isinumite na ang kaso.
- Latest