^

PSN Opinyon

Departure formalities

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Inaayos ngayon ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang proseso ng paglabas ng bansa o “departure formalities” para maiwasan ang abala sa mga pasahero.

Nakitaan kasi ng Department of Justice (DOJ) ang ilang mga Immigration officer ng “pagmamalabis” at “hindi tamang asal” sa pagpapatupad ng “departure formalities.”

Departure formalities ibig sabihin pormalidad lang na malaman ng isang Immigration officer kung bakit aalis ang isang pasahero, hindi pag-iimbestiga.

Tinitingnan kung may mga sapat na dahilan para ma­iiwas ang mga kababayan natin na posibleng maging bik­tima ng human trafficking palabas ng bansa lalo kung sila ay unescorted.

Ang tawag dito “profiling.” Profiling sa aspeto ng mga posibleng mabiktima ng human trafficking na hindi nalala­man ng kababayan natin.

Base sa mga sumbong at kaso na hinawakan ng BITAG simula pa noong 2008, kalimitan sa mga nabibiktima ng human trafficking ay mga kababaihan. Mga walang kasama o grupo na naglalakbay kaya kadalasan nao-offload.

Ibig sabihin, may nakitang sapat at balidong dahilan ang Immigration officer kung bakit hindi sila pinayagang makaalis ng Pinas.

Ang problema, ‘yung ibang mga eng-eng dyan sa Bureau of Immigration (BI), sadya talagang hindi maganda ang asal.

Pinaglalaruan ang kausap. Kapag hindi nila gusto ang tabas ng mukha at ang paraan ng pagbigkas o paraan ng pananalita, offload agad.

Sa halip na departure formalities lang, ginawang “inves­tigative formalities” na parang itinuring nang suspek. Hihi­ngan ng yearbook, diploma at kung anu-ano pa na wala na­mang kinalaman sa paglipad ng pobre.

Nakakabwisit nga naman.

Ibang usapan naman ‘yung mga gustong mag-travel na wala talagang maipakitang sapat na dokumento at kaduda-duda ang kilos at pinagsasabi. Alertado rito ang mga Immigration officer. Alam nila ang mga bansang paboritong puntahan na hindi pagdududahan.

Mayroon din namang umaalis ng bansa at biglang nagkakaroon ng amnesia. Hindi na alam kung paano uuwi at ayaw na talagang umuwi. Ang bitbit lang tourist visa. Kaya kapag nagkaproblema at nabiktima ng mga sindikato, hindi tuloy agad ma-rescue ng pamahalaan.

May karapatan ang bawat indibidwal na mag-travel o lumabas ng bansa. Subalit kinakailangan lang kumpletuhin at pasahan ang mga requirement.

Kayo naman sa BI, matuto na sana kayo. Maganda ang intensiyon ng gobyerno sa departure formalities, huwag kayong umastang parang mga boss.

IACAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with