^

PSN Opinyon

Tips para hindi magka-wrinkles

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

MARAMING bagay ang nagdudulot ng wrinkles o pagkulubot ng mukha. Ang ating balat ay gawa sa isang matibay na balot o ang tinatawag na keratin na hindi pinapasok ng tubig. Sa ilalim ng balat ay may collagen, elastin fibers, nerves, blood vessels at may makapal na layer ng taba.

Sa edad 20 hanggang 30, nababawasan na ang paggawa ng collagen ng balat. Parang isang rubber band ang collagen at ito ang nagpapakinis ng balat.

Pero sa pag-edad, ang mga collagen at elastin fibers ay kumakapal at lumuluwag. Ito ang dahilan ng pagkulubot ng balat. Nababawasan din ang moisture sa balat at lumiliit ang mga fat cells sa ilalim ng balat.

Sa pagsapit ng edad 40, titigil na ang paggawa ng collagen ng balat. Ang natitirang collagen at elastin fibers ay unti-unting nababali, tumitigas at parang rubber band na lumuluwag. Ito ang nagdudulot ng wrinkles.

Sa edad 50, ang balat ay nanunuyo at madaling masugat o magasgas. Nababawasan ang mga oil glands. Kapag ang babae ay nag-menopause, manunuyo at magiging manipis din ang balat.

Ang pagkulubot ng balat ay namamana rin sa magulang. Kapag makinis ang mukha ng iyong magulang ay marahil makinis din ang iyong balat.

Ang pag-edad ay hindi maiiwasan. Pero mayroon tayong magagawa para hindi magka-wrinkles at gumanda ang kutis.

Narito ang tips:

1. Huwag magbilad sa araw. Ang araw ay nagpapakulubot ng balat, nagdudulot ng freckles at posibleng magka-skin cancer pa dahil sa UV light. Magtago sa matinding sikat ng araw mula 10:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

2. Gumamit ng sunblock na may taglay na SPF 15 o 30.

3. Itigil ang paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay nakatatanda dahil nababawasan ang daloy ng dugo sa balat.

4.Itigil ang pag-inom nang maraming alak. Ang alak naman ay nagdudulot ng wrinkles dahil hihina ang iyong resistensiya at babagsak ang iyong katawan.

5. Uminom ng walong basong tubig araw-araw para manatiling malambot ang iyong balat.

6. Kumain ng dalawang tasang prutas araw-araw.

7. Kumain ng dalawang tasang gulay araw-araw. Sagana ito sa vitamins A, C, E at biotin na tinuturing na anti-oxidants.

8. Umiwas sa pagkaing matataba, mamantika at sitsirya.

9. Huwag magpaka-stress.

10. Maging masiyahin. Totoo ang kasabihan na tumawa ka at ikaw ay gaganda.

WRINKLES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with