Anong dahilan at dighay nang dighay
Ang pagdighay (burping or belching) ay paraan ng katawan para ilabas ang sobrang hangin sa loob ng tiyan.
Nakalulunok tayo ng sobrang hangin kung mabilis kumain at uminom, nagsasalita habang kumakain, umiinom ng softdrinks o umiinom gamit ang straw. May ilang tao na nakahihigop ng hangin sa tuwing ninenerbiyos.
Ang hindi natunawan (indigestion) at heartburn ay maaaring malunasan ng pag-dighay.
Para mabawasan ang pagdighay:
1. Kumain nang dahan-dahan. Huwag magmadali para maiwasang mabulunan.
2. Limitahan ang pag-inom gamit ang straw.
3. Itigil ang pag-inom ng carbonated na inumin gaya ng softdrinks at beer dahil naglalabas ito ng carbon dioxide.
4. Iwasan ang chewing gum o pagsipsip ng matigas na candy.
5. Huwag manigarilyo.
6. Huwag magpaka-stress.
7. I-check ang sukat ng pustiso. Kung hindi tama ang sukat maaaring maging dahilan para makalunok ng hangin habang kumakain.
8. Iwasang humiga agad pagkatapos kumain. Maglakad-lakad muna para bumaba ang kinain at nang maiwasan ang heartburn.
9. Iwasang magsalita nang mabilis habang kumakain.
10. Huwag magpaka-nerbiyos. Ang nerbiyos ay dahilan para makahigop ng hangin.
- Latest
















