^

PSN Opinyon

Benepisyo ng pag-aalmusal at pag-inom ng gatas  

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

ANG pag-aalmusal ay nakakatalino sa mga batang puma­pasok sa school, nagbibigay ng enerhiya sa trabaho at na­ka­tutulong sa pagdidiyeta dahil hindi gugutumin at ma­pa­pa­kain nang marami sa tanghali.

Narito ang masustansyang almusal:

1. Isda at gulay — Ang pritong bangus at mga gulay na monggo, pechay at kangkong ay masustansya at masarap pa. Ang sardinas at dilis ay napakasustansiya rin. Ma­taas ito sa protina at calcium.

2. Gatas o yogurt— Kumpleto ito sa protina, carbohydrates at fats. Ang skim milk o yogurt ay bagay sa may katabaan, may diabetes at may mataas na kolesterol.

3. Itlog — Kung wala ka namang sakit sa puso o problema sa kolesterol, puwede kang kumain ng isang itlog bawat araw. Ang nilagang itlog ay masustansiya at nagpapalakas.

4. Prutas —Tulad ng saging, mansanas, papaya at mangga ay sagana sa bitamina at minerals. Limitahan lang sa isa o dalawang piraso ng saging at isa o dalawang hiwa ng mangga para hindi tumaba.

5. Oatmeal — Ang pagkain ng isang tasang oatmeal bawat araw ay puwedeng magpababa ng kolesterol sa dugo ng 10 percent.

6. Cereals — May kamahalan lang ang cereals pero sagana ito sa bitamina at minerals. Kapag inihalo ito sa gatas, talagang masustansiya ito.

Uminom ng gatas

Inirerekomenda na uminom ng isang baso ng gatas araw-araw, para sa bata at matanda. Ang gatas ay pinag­kukunan ng Vitamin D at Calcium.

1. Pampalakas ng buto — Humihina ang buto natin dahil sa maling posture at kakulangan sa masustansiyang pagkain. Ang isang basong gatas ay naglalaman ng 113 mg calcium. Ito ay lubhang mahalaga para maiwasan ang pagkasira ng buto.

2. Mayaman sa bitamina at mineral — Ang gatas ay “superfood” na naglalaman ng lahat ng mahahalagang bitamina at mineral na ating kailangan. Ito ay may Vitamin B12, na kailangan ng ating utak. Ang gatas ay may Riboflavin para mapanatiling malakas ang ating katawan. Ito rin ay naglalaman ng phosphorus, na makatutulong sa pag-aayos ng mga nasirang selula.

3. Mayaman sa protina — Ang 100 grams ng gatas ay naglalaman ng 3.2 grams ng protina. Ang protina ay tumutulong sa ating katawan para gumawa ng enzymes, palakasin at maghilom ang kalamanan, kasu-kasuan at balat. Kailangan din ito para gumawa ng hormones sa katawan.

4. Nagpapakalma —Tumutulong pakalmahin ang isip. Naglalaman ito ng potassium at magnesium. Ang isang basong maligamgam na gatas ay tumutulong na mapakalma ang katawan, masasakit na kalamanan at para mabilis makatulog.

5. Para malusog at maganda ang balat — Ang pag-inom ng isa hanggang dalawang baso ng gatas kada araw ay makatutulong para gumanda ang balat dahil sa sustansiya nito.

6. Para sa sobrang magpawis — Ang sobrang pawis ay nakatatanggal ng electrolytes sa ating katawan gaya ng potassium at sodium. Nakatutulong ang gatas para muling maibalik ang mga nawalang sangkap. May nagsasabi na ang calcium sa gatas ay makatutulong sa pagbawas sa pagpapawis din.

GATAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with