^

PSN Opinyon

Payat pero malakas kumain  

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

BAKIT may mga taong payat pero malakas kumain? Bakit din may taong mataba pero konti lang kumain?

Sagot:

1. Isang factor sa pagiging payat o mataba ay ang iyong metabolism o yung galaw ng katawan. Kapag bata ka pa (edad 30 pababa) mabilis pa ang iyong metabolism at hindi ka gaano tataba. Pero pag lampas edad 40, mabilis nang tumaba at lumaki ang bilbil.

2. Ang regular na ehersisyo ay nagpapapayat din. Kapag hindi ka nagpapawis sa exercise at lagi lang naka­upo, ay mas mabilis kang tumaba. Dapat ay magalaw tayo sa buong araw. Umakyat ng hagdanan. Maglakad-lakad sa trabaho para makabawas sa timbang.

3. May epekto din ang lahi (o genetics) sa ating timbang. Namamana rin natin mula sa ating magulang ang hugis ng ating katawan at mukha. Kapag mabilog ang mukha o malaki ang braso at binti ng magulang, ay puwede rin mamana ito ng mga anak.

4. May mga sakit na nakakaapekto sa ating timbang. Halimbawa, ang mga taong hyperthyroid ay mas puma­payat. Ang mga taong naoperahan sa gallbladder ay mas tumaba. Kapag stressed ka, puwede kang tumaba (dahil kain nang kain) o pumayat (walang ganang kumain). De­pende iyan sa pagdadala ng tao.

Tandaan: Ang lahi, ehersisyo, pagkain at sakit ay ilan sa mga factors na puwedeng maka-apekto sa iyong timbang.

vuukle comment

PAYAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with