^

PSN Opinyon

Ano mali sa presyo ng sibuyas?

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Nasa P500 bawat kilo na ang sibuyas na panggisa habang ang karne ng baboy na igigisa ay nasa P300 lamang bawat kilo. Kung tatanungin ninyo kung ano mali, ang sagot ay posibleng “anomaly”.

Mas mahirap at magastos ang mag-alaga ng baboy kaysa magtanim ng anumang halaman gaya ng sibuyas. Wala akong makitang lohika kung bakit dapat tumaas ng labis ang presyo nito.

Aba eh, nalampasan pa ng sibuyas ang halaga ng bigas, karne ng baboy at baka, isda at iba pang produktong pag­kain! Sabi nila may kakulangan sa supply kaya sumipa ang presyo ng sibuyas.

Agricultural country tayo at marami tayong taniman ng sibuyas at bawang. Diyan bantog ang Ilocos region. Sabihin man na ito ay dahil sa pananalanta ng mga bagyo, hindi ito rason upang sumipa ng abot-langit ang presyo ng sibuyas.

Malamang, may nangyayaring price manipulation na dapat siyasatin at pigilin ng pamahalaan. Bakit naman mamanipulahin?

E di upang  mabigyan ng justification ang importasyon para kunikbak nang malaki ang ilang tiwaling opisyal ng gob­yerno. Ngunit papaano sisiyasatin ito ng gobyerno­ kung ito mismo ang posibleng may kagagawan ng ano­malya?

ANOMALYA

ONIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with