^

PSN Opinyon

Saan punta, Kasambuhay? Vroom, Vroom sa Villa Elisha!

KasamBuhay - Jing Castañeda - Philstar.com
Saan punta, Kasambuhay? Vroom, Vroom sa Villa Elisha!
Kasama si Gina Pestaño, isa sa mga may-ari ng Villa Elisha, Pestaño Farm sa Antipolo

Importante ang pahinga at balanseng buhay para sa ating kalusugan, lalo na yung tinatawag na mental health. Importante ring magkaroon ng quality time kasama ang mga taong mahalaga sa atin—tulad ng ating pamilya, kaibigan, at katrabaho.

Kamakailan, nagbakasyon at nag-team building kami ng aking grupo sa Villa Elisha, Pestaño Farm sa Antipolo, Rizal. Isa’t kalahating oras na biyahe lamang ito mula sa Quezon City, kaya magandang getaway spot ito kung kailangan mong bumalik kaagad sa lungsod.

Maganda ang tanawin at maraming puno at halaman. Ika nga sa Ingles, “You can be one with nature.” Madami rin silang inaalagaang mga hayop dito gaya ng manok, kabayo, tupa, pabo at maging ostrich na maaari mong pakainin.

Ilang tips kapag sa pagplano ng outing: tiyaking maaga ang booking o reservation sa napiling lugar para iwas stress at makakuha  pa ng mga discount at promo.   Ilista ang mga dapat gawin at dalhin, at magtalaga kung sino ang gagawa ng mga ito.

Para hindi makalimutan at mapanatiling buhay ang mga alaalang ito, magdala ng de-kalidad na camera tulad ng Canon EOS RP. Ito ang ginamit kong camera at napakagaganda at napakalinaw ng mga larawan at video footage na nakunan ko. Mirrorless ang camera na ito kaya’t magaan at compact—tamang-tama para sa backpack travels ng vlogger-titas na tulad ko. Mabilis din itong i-set-up at madaling gamitin. At dahil ito ay full frame camera, hindi ka mag-aalala sa tinatawag na “crop factor.” Kapag hindi kasi full-frame ang camera at kung maliit ng sensor nito, maaring hindi makuha ang kabuuan ng larawan. Ang Canon EOS RP ay mayroon ding autofocus feature, kaya kahit na gumagalaw ang iyong kinukunan na subject, malinaw pa din ang kuha mong larawan. Inirerekomenda ko ito sa mga beginner sa photography na tulad ko dahil madali itong gamitin.

Ipinasyal kami ni Gina Pestino, ang isa sa mga may-ari ng Villa Elisha. Habang naglilibot kami sa magandang resort house nila, ibinahagi niyang malawak ang lay-out na kanilang ginawa dahil mahilig kumain at mag-host ng mga get-together ang kanilang pamilya.  Nang sa gayon, mas malaki ang espasyo para gumawa ng kung anu-anong activities. Maluwag ang bahay—kasya rito hanggang 20 katao. 

Kung nagpaplano kang magdiwang ng isang espesyal na okasyon, maaari mo rin itong gawin sa Villa Elisha. Dito, maaari kayong magluto ng sarili ninyong pagkain dahil kumpleto ang kusina nito sa mga kakailanganing kitchen tools at equipment. Para sa mahilig sa inihaw, mayroon ding outdoor barbecue cooking area.

Maagang kulitan kasama ang “Jingcasters” at si Gina (red).

Mayroon itong swimming pool na napaliligiran ng mga puno at halaman, kaya’t parang lumalangoy ka sa gitna ng kagubatan. Tiyak na magiging masarap at mahimbing ang tulog mo dito at magigising ka sa masasayang huni ng mga ibon sa umaga.

Aerial view ng obstacle course na aming sinubukan sa Philip’s Sanctuary ng Pestaño Farm.

Ang Pestaño Farm ay may lawak na 30 ektarya. Sa loob nito ay ang Philip sanctuary, kung saan matatagpuan ang team-building facility na may iba’t ibang obstacle courses—may madali, meron ding medyo mahirap. Pero lahat masayang subukan. Mayroon ding facilitators na maaaring tumulong at mga programa na maaari ninyong sundan. 


Kung gusto mo ng kaunting adventure, maaari kang sumakay sa isang all-terrain vehicle o ATV upang ikutin ang resort. Maaari kang mamili— may madali at patag na daan, mayroon ding mahirap at lubak lubak. 

Ang Canon EOS RP ang aking bagong travel buddy, lalo na sa future episodes ng “Pamilya Talk.”

Kung kailangan mong mag-destress, mag-recharge o magpahinga, maaaring ilang araw na bakasyon lamang sa Villa Elisha ang sagot diyan.  Lalo na’t sa bilis ng takbo ng panahon, kailangan din nating magbonding kasama ang ating pamilya, mga kaibigan o mga katrabaho.  At sa tulong ng advanced na cameras ngayon, mas madali nang mag-shoot nang hindi mo iniisip ang mahal na developing/processing fee gaya dati.   Kaya siguradong marami pang masasayang mga alaalang maibabaon pauwi. 

--

Watch Pamilya Talk on FacebookYouTube and Kumu (@JingCastaneda – 12:00 noon – 1:00 p.m. Monday & Wednesday). You can also follow my social media accounts:  InstagramFacebookYouTubeTiktokTwitter and Kumu.  Please share your stories or suggest topics at [email protected].

VACATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with