^

PSN Opinyon

Problema sa ngipin, taynga at mata  

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

BAKIT may mga bata na tinutubuan ng labis na ngipin?

Ang mga bata ay magkakaroon ng 20 ngipin pagdating­ ng apat na taon at magkakaroon ng 32 ngipin pagsapit ng 20-anyos.

Pero tatlo sa apat na bata ay hindi pantay-pantay ang ngipin kaya akala mo ay sobra. May ngipin na sungki, nasa labas ng gilagid at hindi kaaya-ayang tingnan. Sa edad limang taon ay makikita na itong problema sa ngipin.

Maraming dahilan ito:

1. Puwedeng pinanganak na maliit ang panga o bibig kumpara sa laki ng ngipin. May taong hindi pantay ang laki ng itaas na panga (upper jaw) kumpara sa ibaba na panga (lower jaw). Dahil dito, nagsusungki ang mga ngipin.

2. Ang mga batang mahilig magdede o magsubo ng daliri at maglaro ng kanilang dila ay puwedeng maapektuhan ang ngipin.

3. Ang pagkakaroon ng sirang ngipin at impeksyon sa gilagid ay puwedeng makatabingi sa pagtubo ng ngipin. Dahil sa tabinging ngipin, maraming teenager ay nagiging self-conscious at nawawalan ng kumpiyansa sa sarili. Kahit ang mukha at pananalita ay puwedeng maapektuhan.

Tips:

1. Magpatingin sa dentista. Ipapa-x-ray ang ngipin at magrerekomenda ng braces o retainer. May pagka­ka­taon na inooperahan para ayusin ang mga ngipin.

2. Magsipilyo ng ngipin palagi para maiwasan ang pag­kasira ng ngipin.

Problema sa taynga

Bakit nagkakaluga ang isang tao?

Ano itong Otitis media?

Ang luga o Otitis media ay mas madalas sa bata kaysa sa matatanda. Nag-uumpisa ito sa sipon, sinusitis, allergy, impeksyon dala ng virus o bacteria sa tainga. Dahil dito, ang sipon mula sa ilong ay puwedeng pumunta sa taynga sa pamamagitan ng isang maliit na konektadong tubo (tinatawag na Eustachian tube). Nababarahan ang Eustachian tube at ito ang kadalasang dahilan ng pagkakaroon ng luga.

Ang sintomas nito ay ang lagnat, pananakit ng taynga at pagkabingi. Kapag malala na ang impeksiyon, puwedeng mabutas ang ear drum.

Payo:

1. Kumunsulta sa isang pediatrician o ENT specialist. Nagrereseta ang doktor ng antibiotic tulad ng Amoxycillin syrup o capsule, sa loob ng 7-10 araw.

2. Huwag humiga ng flat sa kama. Umupo o itaas ang unan para mag-drain, paagusin ang luga sa taynga.

3. Uminom nang maraming tubig para lumabnaw ang sipon. Ang madalas na paglunok ay makatutulong sa paglabas ng luga.

Problema sa mata

1. Kapag edad 40, lumalabo na ang paningin. Ang tawag dito ay presbyopia, kung saan humihina ang pag-focus ng ating mata sa malalapit na bagay. Normal lang ito at kumunsulta sa isang optometrist para magpasukat ng salamin.

2. Eye bags. Para mabawasan ang eye bags, subukang maghilamos ng malamig na tubig sa umaga. Puwede rin gumamit ng basang cotton balls na nilubog sa yelo o pipinong pinalamig. Ipatong ito sa mata ng 15 minuto at mababawasan ang pamamaga ng mata. Ang isa pang home remedy ay ang paggamit ng teabag na ipinapatong sa mata. Ang teabag ay may tannin na lumilinis at nagpapa-firm ng balat.

3. Nanunuyong mata (dry eyes) sa edad 60 pataas. Pangkaraniwang sakit ito ng may edad dahil nababawasan ang paggawa ng luha. Ang solusyon dito ay ang madalas na pagpatak ng artificial tears na mabibili sa botika. Kung gustong makatipid, puwedeng magtimpla ng sariling “luha”. Maghalo ng katiting na asin at isang onsang distilled water. Ihalo maigi at gamitin itong pangpatak sa mata. Bumili na lang ng dropper.

4. Katarata. Kapag malabo ang salamin ng kotse ay mahihirapan kang magmaneho. Ganito rin ang nangyayari sa katarata kung saan lumalabo ang lente ng mata. Ang sanhi ng katarata ay ang matinding araw, pag-edad, diabetes at paninigarilyo. Hanggang ngayon, walang pangpatak para malunasan ang katarata. Ang solusyon sa katarata ay simpleng operasyon na ginagawa ng mga eye specialists. Magpa-check sa doktor sa mata.

5. Glaucoma. Sa glaucoma, nababarahan ang pagdaloy ng likido sa loob ng ating mata. Dahil dito, tumataas ang presyon sa loob ng mata. Puwede ito magdulot ng pananakit ng ulo at pagkabulag. Ginagamot ang glaucoma sa pamamagitan ng eye drops o laser surgery. Seryosong sakit ang glaucoma at kailangan magpatingin agad sa eye specialist.

Malahalagang tandaan:

Ang mata ay konektado sa buong katawan. Dahil dito, kailangang umiwas sa bisyo at kumain ng masustansya. Gamutin ang altapresyon at diabetes. Ito ang solusyon para hindi magkasakit ang mga mata.

vuukle comment

MATA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with