^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bayaran, COVID allowance ng healthcare workers

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Bayaran, COVID allowance ng healthcare workers

Hanggang ngayon, nasa 1,617,600 na healthcare workers (HCWs) pa ang hindi nababayaran ng kanilang health emergency allowance mula Enero­ 2022 hanggang Hunyo 2022. Umaabot sa P11.5 bilyon ang dapat bayaran sa HCWs na ang malaking bahagi ay mga nurses. Ayon sa Department of Health (DOH) sisimulan na nilang iproseso ang pamamahagi sa allowances para sa HCWs. Tini­yak ng DOH na maibibigay na ito sa lalong madaling panahon.

Nagpalabas naman ng karagdagan o ekstrang P1.04 bilyon ang Department of Budget and Ma­nagement (DBM) para bayaran ang nasa 55,211 HCWs na hindi pa nababayaran mula Setyembre 2020 hanggang Hunyo 2021.

Nararapat nang maibigay ang COVID allowance ng HCWs at hindi na sana pabitin-bitin pa. Ngayong nagsitaasan na ang mga bilihin, pamasahe, bayad sa kuryente at tubig, kawawa naman ang HCWs na nahihirapan na sa paghihigpit ng sinturon. Habang patuloy silang naglilingkod at itinataya ang buhay, hindi naman makatarungan na balewalain ang kani­lang pangangailagan. Kung tutuusin, dapat pa ngang advance ang pagbibigay sa kanila ng allowances ngayong may pandemya.

Ang atrasadong pagkakaloob ng COVID allo­wances sa kabila na ito ay isa nang batas ay hindi naman dapat mangyari. Ang pagbalewala sa kanilang karaingan ang dahilan kaya maraming HCWs ang nangingibang bansa para maghanapbuhay sapagkat mas malaki ang suweldo at maraming bene­pisyo. Sa mga nakalipas na buwan, marami nang nagsialisan na HCWs partikular ang mga nurses.

Huwag hayaang magpatuloy ang exodus ng HCWs. Kalingain sila at pagkalooban ng mataas na suweldo at tamang benepisyo.

HEALTHWORKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with