^

PSN Opinyon

Mga dapat gawin kung may sipon at ubo

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang common cold o sipon ay isang viral na impeksyon sa pang-itaas na bahagi ng respiratory tract, sa ilong at lalamunan.

Kadalasan ito ay hindi naman nakasasama. Ang pala­tandaan nito ay sipon, masakit na lalamunan at ubo at kung minsan naman nagluluhang mata, pagbahing at baradong ilong.

Karamihan sa matatanda nararanasan ang sipon ng dalawa hanggang apat na beses kada taon, Sa kabataan naman lalo sa mga preschoolers nagkakaroon sila ng colds anim hanggang 10 beses sa 1 taon.

Narito ang mga dapat gawin kung may sipon at ubo:

1. Uminom nang maraming tubig—Magandang uminom­ ng tubig, juice at tsaa. Dahil nakatutulong ito na palitan ang mga nawalang tubig sa katawan habang nabubuo ang sipon o may lagnat. Iwasang uminom ng kape dahil nagdudulot ito ng dehydration. Ang paninigarilyo naman ay nakapag­papalala ng sintomas.

2. Humigop ng sabaw ng manok—Nakatutulong ang sabaw ng manok sa mga taong may sakit. Ayon sa mga eksperto napagiginhawa nito ang iyong pakiramdam sa dalawang paraan: Una, ito ay anti-inflammatory at naka­babawas ng produksyon ng sipon at plema sa iyong res­piratory tract; Pangalawa, pinabibilis nito ang galaw ng sipon papunta sa ilong, para makatulong guminhawa sa baradong ilong at bawasan ang pagdami ng virus na dumi­dikit sa paligid ng ilong.

3. Magpahinga—Kung kinakailangan, manatili na muna sa bahay at huwag munang pumasok sa trabaho kung mayroong lagnat, matinding ubo, o pagkahilo. Ang pahinga ay mahalaga para mas mapadali ang pag-galing.

4. Gawing komportable ang kuwarto—Gawing maaliwalas o hindi mainit sa pakiramdam ang kuwarto, maaring bumili ng aircon kung kinakailangan. Linising madalas ang aircon para maiwasan ang pagdami ng bacteria at amag.

5. Paginhawahin ang lalamunan—Magmumog ng maligamgam na tubig na may halong asin sa umaga. Uminom ng maligamgam na lemon na may halong honey, dahil ito ay nakatutulong na mapaginhawa ang sakit ng lalamunan pati na rin ang ubo.

6. Gumamit ng nasal spray—Ang saline spray sa ilong ay epektibo, ligtas gamitin at hindi naka-i-irita. Puwede din gamitin sa bata, para guminhawa ang baradong ilong.

7. Uminom ng Vitamin C tablet – Posibleng mabawasan ang sintomas ng sipon sa pag-inom ng Vitamin C.

COMMON COLD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with