^

PSN Opinyon

Mga sintomas ng sakit sa mata

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Kapag sumapit sa edad 40 pataas, marami nang pagba­bago at lumalabas na ang mga sakit sa mata. Magpa-check-up sa ophthalmologist kung may mga sintomas ng sakit sa mata gaya ng mga sumusunod:

l Cataract—Ang lente ng mga mata ay parang may ulap o puti sa gitna. Ang kulay ay madilim at mabilis masilaw, hirap sa gabi, madalas magpalit ng salamin sa mata, kupas ang kulay na nakikita o doble ang nakikita. Gamutan­: (1) tamang grado ng salamin, (2) mas maliwanag na bahay sa labas, (3) sunglass, (4) huwag magmaneho sa gabi (5) operasyon sa katarata.

l Presbyopia—Ang lente ay hindi maka-focus kaya hindi mabasa ang malapitan na letra. Magpagawa ng salamin.

l Eye floaters—Kung paisa-isa lamang ang nakikita ay hindi naman delikado dahil ito ay dulot ng pag-edad. Ngunit kung dumami, kailangan nang magpatingin.

l Dry eyes—Sobrang pagluluha at magaspang ang pakiramdam na parang may puwing sa mata. Patakan ng artificial eye drops.

l Age-related macular degeneration—Kung saan ang ma­cula ng mata ay humihina. Ang mga sintomas nito ay: (1) ang maliit na letra at malabo ang mata, (2) ang kulay ay nababawasan, (3) hirap makaaninag ng mukha, (4) nag-iiba at parang alun-alon ang nakikita, at (5) lumalayo ang mga bagay. Kumunsulta sa isang eksperto sa mata gaya ng Retina Specialist. Kumain ng mga pagkaing maya­man sa Vitamin A, C, E, zinc, copper, para hindi lumala.

l Glaucoma—Tumataas ang presyon sa mata. Madalas­ ay wala itong babala kaya hindi agad napapansin. Ang mga sintomas ay: (1) hirap ang paningin sa gabi, (2) tunnel vision, (3) malabo, (4) may “halo” o bilog sa liwanag, (5) na­mu­mula ang mga mata, (6) masakit ang ulo o ang mga mata, (7) pakiramdam na parang nasusuka at nahihilo, at (8) cell damage sa optic nerve. Kumunsulta agad sa eye spe­cialist para hindi mabulag.

l Drooping eyelid (Ptosis)—Humihina ang muscle sa talukap ng mata kaya minsan ang balat ay tumatakip sa mata. Inooperahan ito kung nakatakip na sa mata.

l Diabetic retinopathy—Kapag hindi nakontrol ang dia­betes, puwedeng masira ang mata at mabulag. Dapat nasa normal palagi ang blood sugar.

l Retinal detachment—Sa pag-edad, ang mga ugat na nagdadala ng dugo, oxygen at nutrisyon sa likod ng mata ay lumalayo. Ang retina ay numinipis, nagkakaroon ng maliliit na butas at nalalagyan ng fluid kaya lumalayo ang retina sa ugat. Gayundin pag may diabetes. Ang sintomas ay may bagong floaters or light flashes, wavy, dark shadow sa paningin, parang nakasisid sa tubig. Kumunsulta agad sa doktor.

l Kumunsulta sa eye doctor kung: biglang lumabo ang mata, may flashes ng liwanag, masakit ang mata, biglaang pagdoble ng nakikita, biglang pamumula o namaga ang talukap ng mata.

CHECK UP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with