^

PSN Opinyon

Pagbangon at kapayapaan

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Nananatiling buhay ang mensahe ng kantang “Tatsulok” na original na nilikha ni Rom Dongeto noong 1989 at kinanta nina Noel Cabangon at Rene Boncocan. Pinasikat na lamang ito ni Bamboo noong 2007. Ang inspirasyon ng kanta’y ang noo’y nagaganap na “total war policy” ng gobyerno.

Tampok sa kanta ang: “habang may tatsulok, at sila ang nasa tuktok, hindi matatapos itong gulo”.

Sa inaabangang proklamasyon ng bagong Presidente BBM at Bise Presidente Sara, matingkad ang pangarap ng bawat Pilipino, bumoto man sa tandem o hindi, ang pagkamit ng kapayapaan sa ating bansa.

Sa inilalatag ng bagong administrasyong pagbangon, sana’y nakaangkla ito sa tuwirang pagbuwag ng tatsulok sa ating lipunan. Dahil, hangga’t may pang-aapi at hangga’t may pagsasamantala, mananatiling ang lipunang Pilipino’y hahamakin ng gulo mula sa mga gutom, pinagsasamantalahan at inaapi.  “Hindi pula’t, dilaw ang tunay na magkalaban,  ang kulay at tatak ang di siyang dahilan,” sabi nga sa “Tatsulok”.

Hamon sa papasok na administrasyong BBM at Sara, gaya ng hamon sa mga nakaraang administrasyon at mga ama nilang parehas naging mga presidente na baliktarin ang “tatsulok” upang matapos na ang gulo.

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

ROM DONGETO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with