^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Malaking hamon kay Danao

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Malaking hamon kay Danao

Noon pa bulung-bulungan na magiging hepe ng Philippine National Police (PNP) si Lt. General Vicente Danao Jr. sa darating na panahon dahil sa mahusay na record nito. Dati siyang hepe ng pulisya sa Davao City noong mayor pa si Duterte. Nagtapos siya sa Philippine Military Academy (PMA) noong 1991.

Pero ang hindi inaasahan, mangyayari pala ang pagtatalaga kay Danao sa panahon ng election kung saan ay kailangan ang mahusay na pamumuno sapagkat ang pulisya ang inatasang manganga­laga sa kaayusan ng bansa. Ang PNP ay isa sa mga inatasan na makakatulong ng Commission on Election (Comelec) para sa maayos at matiwasay na election.

Itinalaga ni President Duterte si Danao, Jr. na officer-in-charge ng PNP kapalit nang magrereti­rong si PNP chief Dionardo Carlos sa Mayo 8 dahil sa mandatory retirement age na 56. Bukas (Mayo 8) magi­ging epektibo ang pagkakatalaga kay Danao. Naniniwala umano ang Palasyo na magagampanan ni Danao ang bagong tungkulin nito na masilbihan at maprotektahan ang mamamayan.

Ngayon lamang nangyari na nagkataong ang pagtatalaga sa bagong PNP chief ay nataon sa election. Sasabak agad si Danao para mapangalagaan ang mamamayan sa panahon ng election. Sa kasalukuyan, maraming lugar sa bansa ang itinuturing na election ‘‘hot spots’’ kung saan may mga pulitikong nagha-hire ng goons para takutin ang botante. Mayroong mga pulitiko na nag-aalaga ng private armed groups. Ginagamit ito sa kalabang pulitiko. Marami ring pulitiko ang may armory. Iba’t ibang klase ng baril ang pag-aari.

Ang mga problemang ito ang nararapat na lutasin­ o bantayan ni Danao. Protektahan ang mama­­mayan sa mga pulitikong ulol na sa pagnanais na maluklok at gagawa ng paraan para mangyari. I-monitor din naman ni Danao ang mga pulis na naliligaw ng landas at nagsisilbi sa mga pulitiko. Hindi dapat mangyari ang ganito sa pamumuno ni Danao.

vuukle comment

VICENTE DANAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with