Balakubak
ANG balakubak ay isang kondisyon sa anit na may kasamang sobrang pangangati at pagkatuklap ng balat. Ito ay hindi naman nakahahawa at hindi seryosong sakit, ngunit ang pagkakaroon ng balakubak ay nakababahala sa iba.
Maraming posibleng dahilan ng balakubak gaya ng: (1) dry skin, (2) iritasyon, (3) seborrheic dermatitis, (4) psoriasis, (5) eczema, (6) yeast-like fungus o malassezia, (7) hindi madalas na pag-shampoo, at (8) sensitibo ang anit sa mga ginagamit na hair products.
Paano gagamutin ang balakubak:
1. Mag-shampoo ng regular — Gumamit ng mild shampoo o non-medicated shampoo. Dahan-dahan itong imasahe sa anit para matanggal ang mga natuklap na balat. Banlawan ito mabuti.
2. Gumamit ng medicated shampoo kung malala ang kaso ng balakubak —Hanapin ang shampoo na naglalaman ng zinc pyrithione, salicylic acid, coal tar o selenium sulfide. Ang medicated shampoo na Nizoral 1% ay nakapupuksa ng balakubak sanhi ng fungi na nanirahan sa iyong anit. Ang shampoo na ito ay mabibili sa botika over-the-counter o minsan kailangan pa nito ng reseta.
3. Itigil ang pag-gamit ng mga styling products — Ang hair sprays, styling gels, mousses at hair waxes ay nagiging dahilan para maging malangis o oily ang buhok at anit.
4. Kumain ng masusustansyang pagkain — Kumain ng mga pagkain na nagbibigay ng sapat na Zinc at B Vitamins na makatutulong maiwasan ang balakubak.
5. Subukan gumamit ng tea tree oil. Ang herbal na ito ay nakatutulong mabawasan ang balakubak. Ang langis ng tea tree oil ay nakukuha sa dahon at ito ay ginagamit na antiseptic, antibiotic, at antifungal.
6. Kung ang balakubak ay lumala o ang anit ay magkaroon ng iritasyon o sobrang pangangati, kumunsulta sa doktor.
- Latest