^

PSN Opinyon

EDITORYAL - ‘Nanay ng smuggling’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - ‘Nanay ng smuggling’

Tama si Albay Representative Joey Salceda nang sabihin noong isang araw sa pagdinig na ang Department of Agriculture ang “nanay ng smuggling’’. May katwirang sabihin ito sapagkat nalaman ng mga mambabatas sa pangunguna ni Salceda na pinayagan ng DA na mag-import ang bansa sa Malaysia ng palm oil na nagkakahalaga ng P300 bilyon. Napakalaking halaga nito. Gaanong karaming mantika ang mabibili ng P300 bilyon.

Hindi pa nareresolba ng DA ang malawakang smuggling ng gulay, mayroon na namang bagong­ kontrobersiya—importasyon ng mantika. At nani­ni­­wala ang mga mambabatas na baka isa na namang­ uri ng smuggling ang pag-import ng mantika. Po­sible­ ring madeklara na used oil ang mantika na ginagamit na sangkap sa pakain sa hayop. Kapag nadeklarang feedstock, libre na ito sa tariff. Walang kikitaing revenue ang pamahalaan. Sabi pa ng mga mambabatas, alam ng mga opisyal ng DA ang mga gawaing ito.

Malakas ang paniwala ng mga mambabatas na ang pag-angkat ng mantika ay isa na namang dagok sa mga lokal na magsasaka. Naniniwala sila na panibagong kalbaryo na naman ito sa mga lokal na magsasaka. Noong nakaraang Enero, sinabi ng DA na mag-aangkat ang bansa ng tone-toneladang galunggong mula sa China para mapunan ang kakapusan ng bansa. Sabi naman ng mga tutol, sapat-sapat ang isda at hindi dapat umangkat. Balak din ng DA na umangkat ng asukal bagay na tinutulan ng sugar millers sa bansa.

“Ina ng smuggling’’ ang DA. May katwirang sabihin ito ng mga mambabatas. Lahat nang agri­cultural products ay naipapasok sa bansa at walang ginagawa ang DA para ito mapigilan. Paano mapipigilan kung may mga kasabwat na smuggler ang mga opisyal ng DA. Imposibleng makapasok sa bansa ang mga produkto kung walang kasabwat.

Sa hiwalay na pagdinig sa Senado, pinanga­lanan na ang mga smuggler ng gulay. Dapat kasuhan na ang mga ito at ang sinasabing mga opisyal na protector nila. Kung hindi masasampolan, tuloy ang smuggling at tuloy sa pagpapasasa ang mga matatakaw na opisyal ng DA.

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

SMUGGLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with