^

PSN Opinyon

Magandang dulot ng lemon at calamansi

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Narito ang mga kapaki-pakinabang na dulot ng lemon at calamansi:

1. Ang lemon at calamansi ay mayaman sa vitamin C at fiber na maganda sa balat, mata at puso. Isang anti-oxidant ang Vitamin C na nagbibigay proteksyon sa selula. Posible na makatutulong din sa sipon, lagnat, at problema sa gilagid.

2. Ang mga citrus fruits, tulad ng lemon, dalandan, orange at calamansi ay mayaman sa Vitamin C na kailangan para ma-absorb ng katawan ang iron at hindi maging anemic.

3. Hindi pa tiyak pero baka makakatulong sa pagpa­payat ang lemon dahil binabawasan nito ang gana kumain. Kapag uminom ka ng lemon water ay mas busog ka. Kaya kaunti na lang ang makakain.

4. Dahil umiinom ka nang mas maraming tubig, makatutulong ito para hindi ma-dehydrate at kumulubot ang balat. Makaiiwas din sa pagbuo ng kidney stones.

5. Mag-ingat lang dahil kapag matapang ang pagkakagawa ng lemon water, puwedeng makasama sa may ulcer at makasira rin ng ngipin.

6. Subukan ang ganitong timpla: Ihalo ang 1 lemon sa 1 litrong tubig. Tamang tama ito.

CALAMANSI

LEMON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with