^

PSN Opinyon

I see your true colors shining through…

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

TOTOO ang kasabihang nasa huli lagi ang pagsisisi. Kung hindi pa napahiya dahil sa kanyang mga binitawang masasakit na salita, hindi pa matatauhan. 

Binura nga ang post, pero hindi man lang humingi ng paumanhin sa kanyang mga sinabi. Hindi na isinaalang-alang ang alaala ng yumaong pinaghandugan ng kaniyang kanta.

Ang resulta, kumintab tuloy ang totoong kulay. Sabi nga sa isang kanta, I see you true color, shining through. 

Nakalimot na siya’y wala sa puting tabing kaya ‘yung mga panlalait at pangungutya, hinubaran ang kanyang totoong pagkatao at nasaksihan ng buong bansa.

Some people can be classified as the people in need and people who are motivated by greed. May mga nakakapagsalita dala ng kanilang pangangailangan at may nagsasalita dala ng kasakiman. Ugaling maramot.

Nasobrahan yata sa pagka-mega sardines este mega­star na feeling nila sila na ang may-ari ng kanta. Nakalimot ulit na kung dati ay kanta-kanta lang sila subalit umabot na sa panahon na ‘yung kislap o kinang ng kanilang bituin, unti-unti nang nawawala. Ngayon, natuluyan na. 

Siguro Ma’am, hindi mo lang alam kung ano ang nasa puso ng isang indibiduwal na gumamit ng kanta mo at hindi para pagkakitaan.

Kumanta lang naman ‘yung tao, wala naman sigurong masama. Hindi naman naka-copyright sa iyo ang kanta, nasa recording company na nagbigay naman ng pahintulot.

Sa bawa’t kanta mayroong pakahulugan at istoryang pinaglalaanan. Nagpaalala ito ng kahapon o kasalukuyan na may kaugnayan sa isang bagay o tao o lugar. 

Mega, siguro naman alam mo na the language of the soul is music. Kaya huwag ka masyadong mabulag sa sitwasyon ngayon. Pulitika lang ‘yan eh, either mananalo o matatalo ka.

Dumagdag pa sa kahihiyan ang pag-awat ng magulang sa anak. Nakita na ang kanyang magulang ay nawawala sa lohika, sa sobrang poot at galit nang dahil lamang sa pulitika. 

Sabi ng iyong kinutya, pasensiya na dahil ang pagkanta sa kanta mo ay pagbibigay-pugay lamang sa kanyang namayapang anak. Sa bigla mong pagbura ng post mo, nag-sorry ka ba? 

So ngayon, alin kaya ang mas nakakahiya?

vuukle comment

COLOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with