^

PSN Opinyon

Paoay Lake, binuksan kahit may E. coli contamination

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Ipinagpilitan ng Ilocos Norte provincial government na buksan ang waterpark sa Paoay Lake National Park sa Bgy. Suba sa kabila na may panganib na dulot ng Escherichia coli (E. coli) bacteria contamination.

Karaniwang sintomas ng E. coli ay pagsusuka, pagsakit ng tiyan at pagtatae na may kasamang dugo. Ang impeksiyon ay magdudulot din ng tinatawag na hemolytic uremic syndrome, kung saan sinisira ang red blood cells at humihina ang kidneys.

Bago pa ang pagbubukas ng Paoay Lake, nagbabala na ang DENR na iwasan ang mga aktibidades sa katubigan dahil sa panganib ng E. coli.

Subalit iginiit ng ILocos Norte provincial government na ginawaran naman ang waterpark ng Environment Compliance Certificate (ECC) ng DENR. Ngunit na-issue ang ECC bago pa man nasuri ang waterpark na sa kinalaunan ay napatunayang mataas ang level of contamination ng E-coli at hindi maaring maligo rito.

Pinayagan naman ng Provincial Environment and Natural Resources Office na buksan ang waterpark ngunit bawal maligo rito.

Ayon naman sa tourism office ng Ilocos Norte, maaring mag-enjoy sa waterpark ngunit hindi maaring magtampisaw.

Ang punto rito, bakit kailangang ipagpilitan ang pagbubukas gayung hindi naman pala ligtas ang waterpark?  Hindi ba isinusubo lamang sa panganib ang mga mamamasyal dito?

Ano ba ang nag-udyok sa mga opisyal para buksan ang hindi ligtas na waterpark?

Ngayong nagpapatuloy pa ang pananalasa ng COVID sa bansa, hindi dapat ipagduldulan ang waterpark na may nakaumang na panganib sa mamamayan.

• • •

Para sa suhestiyon: [email protected]

PAOAY LAKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with