^

PSN Opinyon

Technicians, empleyado, iboto ang may vision

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Sa loob ng isang dekada, de-kuryente na lahat ng kotse, bus at truck. Sa electric vehicles 20 piyesang gumagalaw na lang ang nasa ilalim ng hood, hindi na 2,000 sa de-gasolina. Ang magpapaandar ay malaking baterya na tatagal ng walong taon ang buhay. Hindi lang 12 volts ang bateryang ito, kundi nakaka-shock at maaring makapatay na 830 volts. Maiiba nang husto ang pagmemekaniko ng sasakyan. Mag-iiba rin ang mga makina sa talyer at presyo nito. Maaapektuhan ang mga trabahador.

Handa na ba ang gobyerno sa pagbabago? Sinasanay na ba ng Technical Education and Skills Development Authority ang trainees sa car electricals at electronics? Dapat maagap ang bansa sa teknolohiya.

Hindi lang sasakyan ang magbabago. Mas mauuso ang work from home. May mga negosyo na hindi na kailangan ng malaking opisina, at magastos na tubig at kuryente. Bibigyan na lang ang mga empleyado ng gadgets at malakas na wi-fi. Pinaplano na ba ng National Telecoms Commission na paramihin ang cell sites para sa gan’ung sitwasyon?

Lalaganap ang artificial intelligence. Darami ang computers at robots na gagawa ng iba pang computers at robots. Hinahanda na ba ng Commission on Higher Education ang mga kolehiyo na magturo ng artificial intelligence at robotics?

Dapat matalas at malayo ang pananaw ng gobyerno. Sa gan’ung paraan lang makaaabante ang Pilipinas sa ibang bansa sa mga bagong larangan ng kompetisyon. Mapaparami ang trabaho.

Kung mapurol at mababaw ang pananaw, makakawawa ang kabataan. Lalaki silang kapos ang kaalaman. Magiging hanapbuhay pa rin ng mga binata ang pagtutulak ng droga. Ang mga dalaga ay magse-sexy dancer. Lalala ang karalitaan.

Humalal ng mga kandidatong may vision ng kinabukasan.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

TECHNICIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with