^

PSN Opinyon

Masakit at makating lalamunan

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang masakit at nangangating lalamunan (sore throat) ay pamilyar na palatandaan na ikaw ay magkakaroon ng sipon o trangkaso. Karamihan sa sore throat ay hindi naman nakapipinsala at kusang nawawala sa loob ng limang hanggang pitong araw. Minsan maaaring bumili ng mga over-the-counter na gamot sa ubo para ito ay gumaling.

Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng sore throat o masakit na lalamunan. Kadalasan ay nagmumula ito sa impeksyon mula sa virus o bacteria. Kapag virus ang dahilan­, puwedeng hindi muna uminom ng antibiotics.

Ngunit kung namamaga ang tonsils at may mga puti-puti na nakikita sa lalamunan, ang ibig sabihin ay may bacteria ito at kailangan nang uminom ng antibiotics.

Ang mga virusis at bacteria ay maaaring pumasok sa iyong bibig o ilong sa pamamagitan ng paglanghap ng particles mula sa pag-ubo o paghatsing ng ibang tao. Puwede rin na ikaw ay gumamit ng kutsara, tinidor, towel, laruan, doorknob, computer keyboard at telepono na gamit ng isang may sore throat.

Maaari ring magdulot ng sore throat ang hyperacidity o pangangasim ng sikmura. Ang allergy ay puwede ring pag­mulan ng sore throat.

Para mapabilis ang paggaling ng sore throat, narito ang mga nararapat gawin:

1. Magmumog ng maligamgam na tubig na may asin. Maglagay ng 1 kutsaritang asin sa isang basong maligamgam na tubig at haluin ito. Gamitin ito para magmumog ng ilang segundo. Mababawasan ng tubig na may asin ang pamamaga ng tonsils. Magmumog ng apat na beses sa maghapon.

2. Uminom nang maraming tubig, tsa-a o sabaw. Uminom ng walong basong tubig sa maghapon para lumab­naw ang plema.

3. Subukan ang chicken soup o nilagang manok. Ayon sa mga ginawang pag-aaral at pagsusuri ni Dr. Stephen Rennard ng University of Nebraska, ang chicken soup ay tumutulong sa pag-alis ng pagbabara dulot ng sipon at plema. Pinipigilan nito ang pamamaga ng tonsils at paggawa ng plema. Ang chicken soup ay may sangkap na amino acid, ang cysteine, na lalabas sa pagluto ng sabaw ng manok. Ang cysteine ay nagpapalabnaw ng plema sa ating baga at pinapabilis ang ating paggaling. Ang manok ay mataas din sa protina.

4. Kung masakit ang lalamunan, puwedeng gumamit ng throat lozenges. Ito yung mga candy na nakagiginhawa sa lalamunan.

THROAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with