^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Tulungan, mga nasalanta ni Odette

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Tulungan, mga nasalanta ni Odette

Naihalintulad ng mga taga-Eastern Samar at Cebu City ang Bagyong Odette sa Bagyong Yolanda. Akala nila, hindi na titigil ang malakas na hangin. Ayon naman sa mga Dinagat Islands, mistulang washing machine ang hangin na dala ni Odette. Sa pinakahuling report ng National Di­saster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit 200 na ang namatay sa pana­nalasa ni Odette.

Bagsak ang komunikasyon sa mga probinsiyang tinahak ng bagyo. Ang Dinagat Islands na isa sa mga napuruhan ng bagyo ay nawasak ang mga bahay at sirang-sira ang mga pananim. Kabilang pa sa mga grabeng sinalanta ni Odette ay ang Bohol, Capiz, Camiguin, Misamis Oriental at Zamboanga del Sur. Tinatayang 300,000 katao ang mga nasa evacuation centers. Umaapela ng tulong ang local government units (LGUs) sa mga nasa­lantang lugar dahil kapos na sila sa pondo. Kailangan ng evacuees ang pagkain, tubig, gamot, damit at iba pang pangangailangan. Hindi pa malaman kung hanggang kailan tatagal sa evacuation centers ang mga biktima ng bagyo sapagkat wala na silang uuwian makaraang wasakin ng bagyo ang kanilang mga bahay.

Marami nang mga pribadong kompanya at civic group ang nagpapadala ng tulong sa mga nasalanta. Bumubuhos na ang mga saku-sakong bigas, mga kahon ng sardinas at noodles, inuming tubig at mga damit para sa mga biktima ni Odette.

Mas nauna pa ang pribadong kompanya kaysa sa mga kandidato na dapat ay sila ang manguna para matulungan ang mga nasalanta. Ito ang tamang panahon at pagkakataon para maipakita ng mga tatakbo sa 2022 elections ang wagas na pagtulong. Ngayon makikita kung sino sa mga kandidato ang mga nagkukunwari at pakitang tao lamang. Nga­yon masusubukan ng mamamayan ang mga humi­hingi ng boto. Ito ang tamang panahon para humusga ang mamamayan. Madali nang magpasya ngayon kung sino ang tamang iluklok sa puwesto.

vuukle comment

YOLANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with