^

PSN Opinyon

Medical school sa Benguet kailangan na

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

KAMAKAILAN, ipinanukala ng magiting na mambabatas ng Benguet na sana’y magkaroon na ng College of Medicine ang State-run Benguet State University sa La Trinidad, Benguet.

Napakalaking tulong ito sapagkat  maraming kabataan sa Benguet ang naghahangad na maging manggagamot ngunit dahil sa napakataas na mga bayarin sa pag aaral, naipagpapaliban ito.  Bukod pa na dalawa lamang ang medical schools sa Cordillera.

Kung maisakatuparan  ang Benguet State University College of Medicine, makakamit na ang pangarap ng mga kabataan na magkaroon ng kalidad na medical education at training na hindi bubutas ng bulsa.

Kaakibat ng HB 10559, una nang isinabatas ni Rep.Yap sa Kamara ang “Doktor Para sa Bayan Act (RA 11509)” na nagtatalaga ng Medical Scholarship and Return Service Program (MSRS) para sa mag-aaral sa State Universities and Colleges (SUC) na nag-ooffer ng medical courses.

Sa implementasyon nga naman ng kambal na MSRS program at College of Medicine sa BSU, magkakaroon nang maraming “doctor sa barrio” na maninilbihan sa mga nangangailangan.

Sa pamamagitan nito, mabibigyan pansin ang pa­ngangalaga sa kalusugan at pag-iwas sa pagkakasakit lalo na sa mga nasa laylayan at kasuluk-sulukan ng bansa. 

Tunay nga na maraming matutugunan ang panukala na ito ng butihing mambabatas. Sana agarang maisabatas sapagkat malaki ang maitutulong nito sa pagpuksa sa mga suliranin dulot ng kahirapan.

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

MEDICAL SCHOOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with