^

PSN Opinyon

Mga pagkain na mabuti sa puso

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Narito ang listahan ng mga pagkaing mabuti sa ating puso at ugat. Damihan ang pagkain ng mga ito para maging healthy.

1. Matatabang isda tulad ng tuna, tamban, tilapia, sardinas at salmon. Sagana ito sa omega-3 fatty acids na nagpapaluwag ng ugat sa puso at utak.

2. Oatmeal. May sangkap itong omega-3 fatty acids, magnesium, potassium, vitamin Bs, calcium at fiber. Kapag kumain ng oatmeal bawat umaga, siguradong malaki ang ibababa ng cholesterol. Subukan ninyo.

3. Saging. May bagong kasabihan na “Two bananas a day will keep the doctor away.” May potassium, vitamin C, tryptophan at carbohydrates ang saging. Mahalaga ito sa pasyenteng may altapresyon at umiinom ng maintenance na gamot sa puso. Pero ang saging talaga ay para sa lahat.

4. Kamatis, karrots, kamote at kalabasa. Ang 4Ks na ito ay mataas sa beta-carotene, lycopene, vitamin C at potassium. Maganda ito sa mata at sa puso.

5. Monggo beans. Mataas ito sa protina, vitamin B, magnesium, omega-3 fatty acids, calcium at fiber. Pampalakas ito ng katawan at abot-kaya pa!

6. Mani. Ang mani ay may good fats, vitamin E, magnesium at fiber. May tulong ito sa puso, ugat at balat natin. Kumain ng isang dakot lang at hindi isang bowl. Piliin ang mababa sa asin.

7. Tofu, tokwa at soy milk. Mataas ang mga ito sa protein, niacin, folate, calcium at potassium. Ang protina ng tokwa ay mas healthy at hindi nakatataba kumpara sa protina ng karneng baboy at baka.

8. Spinach at broccoli. May sangkap ito na lutein, vita­min Bs, magnesium, potassium, calcium at fiber. Kung si Popeye ay lumalakas sa spinach, subukan din natin kumain­ ng spinach. Hindi ako nagbibiro. Mabuti ito sa tiyan­, katawan at puso. Nagpapasaya pa ito at pinagaganda ang ating emosyon.

9. Bawang. Ang bawang ay may sangkap na allyl sulfides na tumutulong magpababa ng ating kolesterol at blood pressure. Lutuin ng bahagya ang 2-3 pirasong bawang. Huwag sunugin dahil mawawalan ito ng epekto. Mag-ingat lang sa pananakit ng sikmura sa sobrang pagkain ng hilaw na bawang.

10. Dark chocolate. May espesyal na sangkap na resveratrol at flavonoids ang itim na tsokolate. May posibilidad na ang resveratrol ay puwedeng makapagpabata. Mas healthy ang dark chocolate kumpara sa milk chocolate, na puros gatas at mababa sa cocoa. Kumain ng 1-2 piraso lang para hindi tumaba.

CALCIUM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with