^

PSN Opinyon

‘Titigilan mo ang panggigipit o bibisitahin kita?’

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Nakalulungkot na katotohanan na sa panahon ngayon, may mga magulang na pinapayagan ang kanilang mga menor de edad na anak na magtrabaho. Dahil sa kasalatan sa buhay, nais ng mga batang makatulong sa kanilang pamilya sa pang-araw-araw na pangangailangan. Nais mag-ambag sa magulang para may maihaing pagkain sa lamesa.

Pero hindi ibig sabihin, may karapatan na ang mga employer na abusuhin ang murang katawan at kabubotan ng isipan ng mga menor de edad na manggagawa. Tandaan, protektado pa rin ng batas sina Totoy at Neneng.

Itong Sleek Pro Carwash and Auto Detailing sa Santiago City, Isabela, isang car wash boy ang nagsimula ritong mag­trabaho sa edad na 13. Dalawang taon na siya sa nasabing establisimento. Hindi inaasahan nang maaksidente niyang mabangga ang sasakyan na sineserbisan para ilipat ng puwesto. Aksidente niyang natapakan ang gasolina habang umaatras.

Ang kostumer, isang pulis at tulad ng inaasahan, nagalit ito sa nangyari. Subalit idinaan ng pulis sa tamang proseso ang pagresolba sa problema. Hindi niya kinagalitan ang car wash boy dahil ito ay minor. Sa halip, ipinatawag nito ang may-ari ng shop at inimbitahan sa presinto. Nagkasundo ang may-ari ng shop at pulis na babayaran ang nasirang parte ng sasakyan na umabot sa P39,000.

Ang siste, etong kolokoy na may-ari ng shop, pinababayaran sa pobreng bata ang kanyang ginastos. Mantakin n’yo, mula sa P5,000 buwanang sahod ng pobre, ginawa itong P500 na lamang. Walang puknat daw ang pagpapa­alala sa kanya na humahantong na sa pananakot na ka­ilangang ma­bayaran ang utang sa kompanya kung hindi, ipakukulong ito.

Putok sa buhong amo ito, pobre na nga ang bata, lalo mo pang nilugmok sa kahirapan. Kung hindi ba naman gunggong ang may-ari nitong Sleek Pro Carwash and Auto Detailing, insurance ang dapat magbayad sa mga aksidenteng nagaganap sa shop. Tinawagan ko noong Huwebes ang may-ari na si EJ Balberan pero nagbingi-bingihan matapos malaman ang aking pangalan. Kumuyos ang betlog at bina­baan ako ng telepono.

Sa puntong ito, tatayo ang BITAG para sa biktima, ka­sama na naming nagtatrabaho sa kasong ito ang Regional Social Welfare Development at Regional Office ng DOLE.

EJ Balberan, kung hindi mo ititigil ang pananakot at panggigipit sa biktima, ako na ang makakalaban mo. Madali lang para sa BITAG na puntahan muli ang Isabela para ikaw naman ang bisitahin ko.

MENOR DE EDAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with