Indigestion
Ang indigestion (hindi matunawan) ay ang hindi komportableng pakiramdam sa sikmura. Ang indigestion ay hindi isang sakit ngunit ito ay pagpapakita ng sintomas tulad ng hindi matunawan, hirap sa pagdighay, pagkahilo, at pagka-impatso pagkatapos kumain.
Maraming dahilan ang indigestion. Ang iba ay dahil sa sobrang pagkain at pag-inom ng alak. Ang labis na pag-aalala, paninigarilyo, emotional trauma, mabilis na pagkain, at pagkakaroon ng ulcer at gallstones ay maaari ring dahilan ng indigestion.
Kung minsan ang mga may indigestion ay nakararanas din ng heartburn o pangangasim ng sikmura.
Para maiwasan ang indigestion, gawin ang mga sumusunod:
1—Kumain ng pakonti-konti ngunit mas madalas. Kumain ng mas maraming gulay at prutas. Nguyain ang pagkain ng mabuti at dahan-dahan.
2—Iwasan ang mga “trigger foods”. Ang karaniwang nagdudulot ng indigestion ay ang matataba at maaanghang na pagkain, softdrinks, kape, pag-inom ng alak at paninigarilyo.
3—Panatilihin ang tamang timbang. Ang sobrang timbang ay naglalagay ng pressure sa iyong sikmura at maaaring maging dahilan ng stomach acid para umakyat sa lalamunan.
4—Mag-ehersisyo ng madalas. Ang pag-ehersisyo ay malaking tulong para hindi tumaba at umayos ang iyong panunaw.
5—Limitahan ang stress. Magkaroon ng sapat na tulog. Maglaan ng oras sa mga bagay na gustong gawin. Maaari rin mag-meditate o mag-yoga.
6—Suriin ang iyong mga gamot. Sumunod sa payo ng doktor kung kinakailangang inumin ang gamot. Ngunit ang gamot tulad ng aspirin at pain relievers ay puwedeng makairita at makasira sa lining ng sikmura. Kung iinom ng gamot, kumain muna para mabawasan ang hapdi.
7—Uminom ng herbal tea na may peppermint. May mga taong nagiginhawahan sa pag-inom ng peppermint, ngunit hindi pa ito tiyak. Puwede namang subukan.
8—Kung hindi lamang natunawan, hindi dapat mag-alala. Kumunsulta sa doktor kung ang indigestion ay mahigit dalawang linggo at may mga senyales tulad ng pagbaba ng timbang, walang ganang kumain, pagsusuka, maitim ang dumi at may paninilaw sa balat at mata.
- Latest