^

PSN Opinyon

Magdaluyo, pinahahanting ni Danao!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Tulad ni M/Sgt. Raffy Padua, wanted na rin ngayon si alyas Magdaluyo. Kung si Padua ay nawala na parang bula matapos ipaaresto ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar, aba naglaho na rin si Magdaluyo. Iniutos kasi ni NCRPO chief Maj. Gen. Vicente Danao Jr., na arestuhin si Magdaluyo at iba pang ginigisa ang pa­ngalan niya para humingi ng mga pabor, lalo na sa illegal gambling.

Lingid kay Danao, basambasa ang pangalan niya sa Metro Maniia dahil bukambibig siya ni Magdaluyo sa mga kausap na mga opisyal ng NCRPO para makaiwas siya sa lingguhang intelihensiya. Hindi lang ‘yan, pinapayagan din siyang lumapag sa mga lugar na gusto niya dahil sa akala ng mga opisyal ng kapulisan may basbas siya ni Danao. Dipugaaaaa!

Personal na inutusan ni Danao si MPD director Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco na buwagin ang palaro ni Magdaluyo na lotteng, EZ2 at PBA ending sa Maynila. Kinumpirma rin nina QCPD director Brig. Gen. Antonio Yarra at SPD director Brig. Gen. Jimili Macaraeg na nagoyo rin sila ni Magdaluyo. Ewan ko lang kina NPD director Brig. Gen. Jun Hidalgo at EPD director Brig. Matthew Baccay kung nakapasok ang palaro ni Magdaluyo sa kanilang hurisdiksiyon, hehehe!

Tulad ng tong collector na si Padua, mukhang natapos na ang maliligayang araw ni Magdaluyo. Kung sabagay, ang lahat talaga ng ilegal na negosyo ay may katapusan. Mismooooo! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Dipugaaaaaa!

Kaya lang unfair na si Magdaluyo lang ang pag-initan­ ni Danao at initsapuera niya si alyas Tita. Kasi pina­nga­landakan ni Tita na bagwoman siya ng NCRPO at hindi rin kaya ito alam ni Danao? Ano ba ‘yan? Kung bulag­ si Danao sa gawain ni Tita, si NCRPO intelligence chief Col. Hansel Marantan kaya? Hak hak hak! Kayo na maghusga mga kosa kung kanino bagyo si Tita. Dipugaaaaaaa!

Samantala, pinuri ng mga kosa ko si Danao dahil sa pagpasara niya ng sugal-lupa na malaki ang naitulong sa kampanya ng gobyerno ni President Digong laban sa Delta variant ng COVID. Dahil sarado ang mga pasugalan at ang mga outdoor exercises na iniutos ni MMDA chairman Benhur Abalos Jr., abaaaaa stay at home ang mga Pinoy sa Metro kaya tiyak napigilan ang pagkalat ng Delta variant. Anong sey mo PNP chief Gen. Guillermo Eleazar Sir? Dipugaaaaaa! Abangan!

vuukle comment

PADUA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with