^

PSN Opinyon

Apektado lahat ng gawain sa mga katiwaliang ganito

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

“REGULATORY capture” ay pagsuko ng ahensiya ng kapa­kanan ng publiko sa interes ng industriya. Laganap na uri ‘yon ng katiwalian. Lahat tayo apektado, napipinsala, nabibiktima. Ilang mga ehemplo:

(1) Mali-maling textbooks. Hinahayaan ang iresponsableng awtor o tagalimbag. Nabobobo ang mag-aaral sa Agham at Araling Panlipunan.

(2) Nagbabagsakan sa board exams. Pinalulusot ang mga kolehiyong “diploma mills”. Lugi ang graduates sa tinustos na tuition.

(3) Malimit na aksidente sa highway. Nililisensiyahan ang pabaya na tsuper at bus operator. Marami tuloy nama­matay at nalulumpo.

(4) Monopolyo ng isang ride-hailing service ang Luzon. ‘Di patas ang pagtrato sa kompetisyon. Walang mapagpilian ang mga sumasakay.

(5) Malimit na sunog o kolapso ng gusali. Nasusuhulan ang mga inspektor ng konstruksiyon at kagamitan. Wasak ang mga ari-arian.

(6) Kalbong mga gubat. Hinahayaan ang ilegal na pag­totroso at pagmimina. Nauuwi sa pagguho, baha, po­lus­yon, sakit, gutom.

(7) Substandard na pabahay, lalo na sa mga nasalanta. Pinalulusot ang palpak na materyales at labor. Sayang ang pera kasi ‘di matirahan.

(8) Nagtataasang presyo ng pagkain. Puro angkat lang, walang insentibo sa lokal na magmamanok, mangi­ngisda, at magbababoy.

(9) Malimit na blackouts. Maling pagprankisa sa ‘di kwa­lipikado. Wasak ang appliances. Gulo ang trabaho, aral, gawaing bahay, at tulog.

(10) Mahinang cell phone at Wi-Fi signal. Pinababa­yaan ang iilang service providers lang; nangingikil pa ang lokal na opisyales sa pagtayo ng cell sites. Sira ang online classes, hanapbuhay, at paglilibang.

Mababatid sa mga ehemplo na lahat ng aspeto at pangangailangan sa buhay ay nagagambala ng regulatory capture. Dapat lang ibunyag ang mga katiwalian at ikulong ang mga nakikinabang.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

CORRUPTION

KATIWALIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with