^

PSN Opinyon

Nahihilo sa biyahe

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Kahit na anong uri ng transportasyon barko, eroplano, tren at kotse ay nakapagdudulot ng pagkahilo. Ang sintomas ay biglaang hindi mapakali, panlalamig ng pawis, pagkahilo at pagsusuka. Kadalasan, nagsisimulang bumuti ang pakiramdam kapag huminto na ang sasakyan. Kung madalas bumiyahe, mas madali para sa iyo ang makapag-adjust. Ang pagkahilo ay ma­iiwasan kung mauupo sa bahagi ng sasakyan na hindi matagtag o magalaw.

Mga payo para hindi mahilo sa biyahe:

1. Sa barko: I-request sa cabin crew na payagan kang makaupo sa harapan o gitnang bahagi ng barko, o sa deck.

2. Sa eroplano: Magtanong kung papayagan kang maupo sa gawing harapan at sa gilid ng pakpak. Kapag lumilipad na, idirekta ang aircon sa iyong mukha.

3. Sa tren: Kumuha ng upuan na malapit sa harapan at tabi ng bintana. Umupo ka nang paharap at hindi patalikod.

4. Sa mga kotse at bus: Maupo sa gawing harapan sa tabi ng driver.

5. Tumingin sa malayo para malibang ang isip. Huwag magbasa o mag-text.

6. Panatilihing nakadiretso ang ulo habang nakasandal.

7. Huwag manigarilyo at huwag umupo sa tabi ng naninigarilyo.

8. Sumagap nang maraming sariwang hangin.

9. Iwasan ang maaanghang at mamantikang pagkain. Huwag kumain ng sobra.

10. Uminom ng gamot kontra sa hilo gaya ng mecli­zine tablet.

PAGKAHILO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with